Magtatrabaho ba ako o magbantay nang anak?

Gusto ko na magtrabaho kaso di ko kaya Iwan sa byenan ko ung anak ko. Gusto ilayo nang biyenan ko ung anak ko. Balak nila noon dalhin sa probinsya anak ko para daw makapagtrabaho ako. First time mom lang ako at unang apo nila un. Lagi nila kinukuha sa akin anak ko. Ginagala kung saan. Wala ako problem kasi unang apo although pinagseselos nila ako noon. Kesyo sa kanila lang daw sumusunod saakin Hindi daw. Nung komportable na sa kanila anak ko at physically attrached lagi kinikwento Ng byenan Kong babae sa kapitbahay na Hindi daw humahabol sakin anak ko or sumasama sa kanya lang daw. Hindi ko pwede pabayaan na ganun lang kasi MAMA na tawag nang anako ko sa byenan ko. Pinagtatawanan lang nila anak ko pag Minsan tinatawag ako nang anak ko sa pangalan lang. Hindi nila tinatama at ang Malala pinapadede pa nang byenan ko anak ko sa dede nya eh Wala Naman sya gatas

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. TRIGGERED AKO NG SOBRA! Mommy, since wala ka na sa puder nila, 1. limitahan mo na yung time nila sa isa't isa, hindi yun pagdadamot setting boundaries yun. 2. At kahit hiramin nila dapat andoon ka, hindi nila need ng privacy lalo pa at baby ang anak mo. 3. Dapat nuong una pa lang ininform mo na si husband mo sa ugali ng mother niya, for sure aware din yan di ka lang makampihan at baka mag away sila ng mama niya. 4. Wag na wag mong kakausapin si MIL tungkol sa mga bagay na yan na nagpapabothered sayo. Hindi naman sa nilalahat ko ang byenan pero base on experience lang, been there done that, kapag kinausap mo si MIL, di niya yan magugustuhan at ang ending ikaw lang magmumukhang masama at may problema or gumagawa ng problem. Sasama lang ang loob mo kapag hindi inintindi ng MIL mo kung ano pinanghuhugutan mo. Baka makapag away lang kayo. 5. Ngayon, sabihin mo lahat ng concern mo sa asawa mo, hindi sa paraang parang ina-atake mo mother niya pero parang buksan mo ang mga mata niya sa mga ginagawa ni MIL, para aware siya. At siya dapat ang kumausap sa mother niya hindi ikaw. Mother niya yun. Kung sakaling hindi man niya maipag tanggol ang karapatan mo sa Mother niya, importante alam niya saan ka nang-gagaling at maunawaan ka niya sa magiging desisyon mo para sa anak mo.

Magbasa pa
3y ago

Welcome po. Siguro pinupush po nila kayo para maging financially independent po kayo. Sabagay kailangan mo rin ng pera para magawa mo gusto mo nang hindi uma-asa sa husband mo. Pero kung close naman kayo ni husband at nasa same page kayo hindi mo dapat problemahin ang pagiging ang financial independence. But in the meantime habang wala ka muna work or habang nasa leave ka, form mo muna yung BOND niyo ni baby, strengthen it po habang maaga pa. Limit talaga interactions with lola, no sleep over, once a week meet lang ganern.