18 Replies

VIP Member

Hello. TRIGGERED AKO NG SOBRA! Mommy, since wala ka na sa puder nila, 1. limitahan mo na yung time nila sa isa't isa, hindi yun pagdadamot setting boundaries yun. 2. At kahit hiramin nila dapat andoon ka, hindi nila need ng privacy lalo pa at baby ang anak mo. 3. Dapat nuong una pa lang ininform mo na si husband mo sa ugali ng mother niya, for sure aware din yan di ka lang makampihan at baka mag away sila ng mama niya. 4. Wag na wag mong kakausapin si MIL tungkol sa mga bagay na yan na nagpapabothered sayo. Hindi naman sa nilalahat ko ang byenan pero base on experience lang, been there done that, kapag kinausap mo si MIL, di niya yan magugustuhan at ang ending ikaw lang magmumukhang masama at may problema or gumagawa ng problem. Sasama lang ang loob mo kapag hindi inintindi ng MIL mo kung ano pinanghuhugutan mo. Baka makapag away lang kayo. 5. Ngayon, sabihin mo lahat ng concern mo sa asawa mo, hindi sa paraang parang ina-atake mo mother niya pero parang buksan mo ang mga mata niya sa mga ginagawa ni MIL, para aware siya. At siya dapat ang kumausap sa mother niya hindi ikaw. Mother niya yun. Kung sakaling hindi man niya maipag tanggol ang karapatan mo sa Mother niya, importante alam niya saan ka nang-gagaling at maunawaan ka niya sa magiging desisyon mo para sa anak mo.

Welcome po. Siguro pinupush po nila kayo para maging financially independent po kayo. Sabagay kailangan mo rin ng pera para magawa mo gusto mo nang hindi uma-asa sa husband mo. Pero kung close naman kayo ni husband at nasa same page kayo hindi mo dapat problemahin ang pagiging ang financial independence. But in the meantime habang wala ka muna work or habang nasa leave ka, form mo muna yung BOND niyo ni baby, strengthen it po habang maaga pa. Limit talaga interactions with lola, no sleep over, once a week meet lang ganern.

iniispoiled nya anak ko. Pag sinabi ko bawal, sya Naman ibibigay nya. Pag dinidisiplina ko anak ko sasabihan nya sa Bata "halika inaaway ka nang mama mo?" . Nakakainis sya tas di ko na kinaya umalis ako sa puder nila. Sinabi ko lahat sa Asawa ko. Bago ko ikwento sa Asawa ko. Tinanong ko sya . Sabi ko kung halimbawa kapag aalis ka tapos di ka habulin Ng anak mo tas bibiruin kita na " Ay di humahabol sa papa" matutuwa ka ba? sabi nya biro lang Naman un eh Tinanong ko sya ulit " Paano kapag lagi kitang biruin nang ganun? tas ikwento ko sa mga tao na hindi humahabol sayo ang anak mo sa akin lang, matutuwa ka ba?" Sagot nya Hindi daw. Sabi ko sa kanya "Ganyan kasi lagi ginagawa nang mama mo sakin" Nanahimik lang sya. Wala sya sagot till now

Sila Wala talaga pake sa nararamdaman ko. Biro biro lang daw un. Pero pag kinikwento nila sa iba seryoso Sila. Naririnig ko lang Sila pag magkwwntuhan malakas kasi pandinig ko

Dati po kasi lagi kinukuha Ng byenan Kong babae anak ko. Sabik sya sa Bata at naitindihan ko un unang apo pa. Kaya pag lagi nya kinukuha binibigay ko agad. Although iba talaga feeling ko kasi ang OA nya sa anak ko. Gusto nya kapag madaling araw ilipat ko ung Bata sa kanila para makatulog daw ako pero di Rin ako makatulog kasi tawa Sila nang tawa pag madaling araw. Kapag magpaligo sa Bata gusto nya nandun sya. Pati magbibihis gusto nya sya din magbihis. Paagtapos maligo sasabihan nya ako na maglaba nang damit Ng Bata at maligo. pagtapos maligo tulog na ung Bata. ilang buwan kami ganun. tas nakakaramdam ako Ng kakaiba kaya pinakita ko sa kanya na kaya ko mag isa ung trabaho sa Bata.

Ang gara lang din po kasi. Pagkagising nang Bata Sila agad Makita, boses agad maririnig.

Bukod is the key. Umalis na kayo sa puder ng in biyenan mo bago pa kayo magkasamaan ng loob. Bukod means malayo not few blocks away lang na pwede kayo mapuntahan anytime. Sorry not sorry. Di magandang asal yang nilalayo nya loob ng anak mo sayo tapos pinagseselos ka pa at di ka nirerespeto bilang ina. No explanation. Don’t try to even call her out about her behavior. Alam nya yun mismo sa sarili nya kung bakit kayo lalayo. Deep inside alam nya yun. Wag ka mag eexplain. Alis na lang kayo.

kaya nga po eh. may pinagkikitaan Naman po ako kaso matagal ang kita. Pero thank you po sa suggestions.

siguro mommy wag ka nlang muna mag work para mabantayan mo po anak mo and makapag bonding kayo.. mali rin po si mil na di nya tinatama yung bata, pero i think kulang rin po ng presence nyo sa bata.. dpat ipaalam mo sa anak mo po na ikaw mama nya at isip ka ng ways para maacknowledge ka ng anak mo po.. and mag usap kayo ni mil mo, na di mo nagugustuhan yung naririnig mo sa anak mo na para ka lang kung sino sa kanya.. ikaw po yung mama nya kaya dapat sayo sumama

Ung iba Hindi Tayo maintindihan gaya Ng sabi Ng byenan ko. Iuwi daw Muna nang probinsya anak ko. Pero di punayag Asawa ko kasi Alam nang Asawa ko na Hindi ako papayag. Sabi Naman Ng byenan ko. Kayanin ko daw. Magpakapractikal lang daw ako

Asarin mo rin mami si MIL mo na “ay hindi humahabol sa kanya sariling anak nya (which is yung asawa mo)” LOL charot lang 🤣🤣 Pero tama yung ibang mommies, form nyo po muna yung bonding nyo ni baby. Ilang months na po ba si baby? EBF po ba kayo or formula feeding? Feeling ata ni MIL mo sya ang nanay. Kamo mag-anak na lang ulit sya kung gusto nya ng aalagaang baby HAHAHA char lang ulit mi pero why not kung kaya pa naman nya hahahahaha 🤣

Menopause na pi kasi sya. Minsan inaasar ko din ang Biyenan ko. Pag umaalis po sya nakatingin pa sya sa Bata. Ung tingin nya parang sinasabi na "habulin moko" tas pag Hindi sya hinabol sinasabi ko din na "ay Hindi na humahabol sa Lola" hahaha pero di ako satisfied dun

Una, tama na bumukod ka. Now wag mo muna ipahiran anak mo sa lola kasi mukhang gusto nya na akuhin ang bata at ma echapwera ka na. Ang tawag ng eldest ko sa mama ko is Mama/Mommy kasi naririnig nya na Mama twag ko kay mama 🤣 Pero thats ok for me kasi ok naman mama ko hnd tulad sa MIL mong paepal na. Turuan mo si baby mo na Lola itawag or icall sayo Momny pra alam nya pinagkaiba nyo 2.

ano po dapat ko Gawin para Hindi na po nya tawaging mama ung Lola nya? Syempre mama tawag namin lahat sa byenan ko kaya pati anak ko nakikigaya, although pag inuutusan namin sya halimbawa may iabot sa Lola nya sinasabi namin na ibigay nya un Kay mamala nya. pero mas naadapt nya ung mama talaga

Kausapin ko po ba sya? or wag Muna? kaso Hindi din to matatapos Hanggat di ko sya nakakkausap. Btw mabait Naman po sya sa Amin. Kaya di ko sya makausap about dito kasi madami sya natulong sa Amin. Ewan ko kung mabait nga ba kasi tingin lang Ng Asawa ko sa mama nya is palabiro lang

ako sender sorry not sorry.. snsgot ko ksi iniinsist dn nla painumin q honey ang baby q na 8 mos mgnda dw s health eh sb nga ng pedia bwal s babies y. at dlkdo kloka. sngot ko nga kayo un nung unang panhon🤣

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles