To all Mommies: Thoughts and Realizations

Hi! Gusto ko lng po mag unload ng mga realizations and mga thoughts. Sorry po kung mejo mahaba. Wala lang po talaga akong mapagsabihan FTM and kakapanganak ko lang po nung Jan 18 sa cute na baby girl. Emergency CS po ako due to multiple cord coil. Nag endure ng 18 hours of labor only to end up being cs BUT it's ok as long as safe and healthy si LO. Nasa process na po ng recovery at di ko maiwasan ma overwhelm sa mga pangyayari kaya gusto ko lang din po bigyan ng isang malaking KUDOS o congratulations ang mga mommy sa mga hirap na dinadanas natin. 1. Hirap po pala talagang maging nanay. Currently manas po ang aking paa at mga kamay at habang ganito ang nakikita ko hirap po akong makagalaw gawa ng aking tahi. At the same time my pressure mula sa ospital, friends nanay etc na makapag produce na ng breastmilk dahil nga nagugutom si LO at ayaw ng ospital ng bote. Hopefully makalabas na kmi bukas ng umaga para mkpg support feeding. Buti n lng my mga magaganda ang loob na magbbigay ng kanilang breastmilk. Habang aq na sugatan, pagod at manas ay nppressure ng mag produce ng gatas. Ilang gabi na din po ako umiiyak dahil dito. 2. Importante talaga ang support system. Baka naloka na aq kung wala ang asawa at nanay ko. Di ko alam ang gagawin at di ako makagalaw ng maigi. Gusto kong alagaan ung LO ko kaso mejo limited ang movement ko. Sila din ang nagpprovide ng emotional support ko dahil kita nila ang mga pag iyak ko. Kaya again congrats sa mga nanay what more pa kaya ung mga single parents na mag isa tinataguyod ang kanilang anak. 3. Maraming nagbabago at magbabago kapag nagka anak na. Minsan nakakaoverwhelm din isipin ung mga pag aalaga na gagawin at the same time ung pagtatrabaho. Career or family lahat iniisip. Siguro my ibang mommies na madaling mag adapt sa changes pero para sa akin ung mga ganito ay mejo mabigat na pag iisip ang kelngan. So again, mommies nnman ang mag aadjust kaya sasabihin ko uli, congrats.

Trending na Tanong