Emotional na buntis

Gusto ko lang po sanang magvent out bilang wala akong masabihan sa totoong buhay dahil pakiramdam ko di nila ako maiintindihan. Unang pregnancy ko po ito. Like any other preggers may mga tendencies po ako na more "oa" or more sensitive ako more than usual and may mga times na dahil diyan naiiyak ako sa mga bagay na akala ng partner ko na 'maliit na bagay' lang pero para sa akin big deal na pala. Kanina during one of our arguments sa video chat (di po kami together right now dahil sa work ko) habang naiiyak na po ako nasabi niya po na ginagamit ko lang pagbubuntis ko as an excuse for being emotional or iyakin sa mga away namin, sabay binabaan po ako. Masakit po sa akin kasi una, di ko rin naman sinasadya na yan yung nararamdaman ko at pangalawa, sino rin ba di maiiyak kapag sabihan ka na may excuse ako sa lahat ng bagay dahil buntis ako?? I feel gaslighted po, as if ginusto ko naman maging sensitive all the time. If may advice rin po kayo kung paano di magpapadala sa nararamdaman pahingi naman po :( naaawa po ako sa baby ko dahil ayoko rin naman mastress 😢#1stimemom #advicepls #sharekolang

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal po talaga sa buntis ang maramdamin dahil po tumataas ang hormones natin. For me po, kahit po anong pigil ang gawin natin talaga pong lalabas yung emosyon natin dahil nga po sa increased hormones. Di mo po kasalanan yan mommy, normal lang po yan. Ang partner n'yo po ang mali kasi kung tutuusin po dapat po iniintindi niya kayo at mas lalong hindi niya po dapat kayo binibigyan ng bagay na ikasstress n'yo dahil bawal po yan sa buntis. Kausapin n'yo po ng mabuti ang partner n'yo at kung ayaw niya po talaga maniwala sabihan n'yo po siya na magbasa basa ng mga articles tungkol sa pagbubuntis para maintindihan ka niya.

Magbasa pa