sex with husband after giving birth

Hello. Gusto ko lang po malaman opinyon nyo sa set up ng buhay ko ngayon. 2 months old na si baby. Ako nag aalaga sa kanya every day and night. Simula nung nag 3 weeks na si baby hanggang ngayon lagi na nag lalambing si mister sa gabi. Lagi ko naman sya tinatanggihan, sinasabi ko pagod ako o kaya bukas na lang (kahit aalm kong bukas ayaw ko pa din) Ano pong opinion nyo dun kasi naaawa ako sa nararamdaman nya pero pagod talaga ako at hindi comfortable gawin, lalo na at any time pwede magising si baby. PS. Kay baby lang ako tutok kasi meron kami kasama sa bahay na nag aayos ng mga labahin at nag luluto.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I feel you mommy, even now at 2yo post-partum, hindi pa rin bumabalik ang libido ko, lalo na at breastfeeding pa rin ako. Kahit nung preggy pa ko, ayaw ko na makipag-sex pero pinagbibigyan ko na lng si hubby kasi alam kong "duty" ko iyon as his wife, pero sobrang naistress ako almost every night knowing na gusto nya pero ayaw ko. Madalas pa noon, iniisip ko lagi "is this what rape feels like?" ๐Ÿ˜ข Kinakausap ko naman sya, and he understands to some extent, pero understandable naman na kapag weeks nang wala, ay talagang nanabik sya. Kapag hindi napagbigyan, nagtatampo nang husto... So now, kulang pa rin sa gana pero this is what I do to "survive" and keep our relationship healthy: 1. Lubricant is my savior. It really minimizes the pain, and even helps to turn me on kahit initially ay wala sa mood. 2. Relax. The more you resist, the more painful it will be. Give it a chance. Just because wala ka sa mood now, doesn't mean it can't be worked on, lalo na kung willing naman si hubby mo na mag-foreplay. I've learned na kahit anong wala ko sa mood, in the end, as long as I relax, it's really not as bad as I thought it would be. Especially when I see how happy it makes my hubby afterwards, I feel it was worth it afterall โ˜บ๏ธ It may not be pleasurable to you but if you learn how to relax, at least it won't hurt. 3. It's a give and take and/ or compromise. Pinagbibigyan nya ako at iniintindi, kaya pinagbibigyan ko rin sya kahit minsan. Nagre-request rin ako na kahit na weekends na lang para at least ready at makapag-mindset rin ako. Although araw-araw sana ang gusto nya, kaya I appreciate na hindi sya namumwersa. 4. Communication is the key. Huwag matakot maging honest sa kanya sa mga nararamdaman mo, at the same time ay encourage mo rin sya na magopen up sayo. Reach a compromise, if you have to. Take care mommy, and I hope you and your husband will be able to reach a setup that will work for the both of you ๐Ÿค—

Magbasa pa

nga pinaglalaban ng iba dito mga sinasabi kaya nag hahanap ng iba asawa kesyo ganyan mga hunghang kung lolokohin ka ng asawa mo lolokohin ka niyan choice ang panloloko hindi dahil sa nagkukulang kakupalan un pag ganon. porke naging mag asawa pwede na pilitin makipagsex? san utak niyo? siguro kayo napipilit kayo may ibang ayaw kaya nga may tinatawag na "RESPECT", respetuhin mo asawa mo lahat tayo may commitment malang di naman tanga yan alam niya yon asawa niya yun eh pero kung mauunawaan siya ng asawa niya wag niyo ifeed sa utak ng tao na magloloko asawa niya imbis bigyan niyo ng positive advice puro negativity lumalabas sa mga kokote niyo mapalalaki mapa babae kung lolokohin ka lolokohin ka hindi excuse ang pagkukulang ng dahil lamang sa sex . sa buong pagsasama ba nila tinanggihan niya mr niya? bat sila nagkaanak ? mga bobotik kayo makikitid babae pa naman kayo! hindi ba pwedeng dahil nasa process pa siya ng adjustment dahil kakapanganak lang niya 2months ago. wag kayo mahanash jan mga hipokrita.

Magbasa pa
2y ago

Gagalit na galit gustong manakit ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

Para sakin magusap kayo, sabihin mo totoong nasa loob mo.. usually po after manganak mababa tlga libido ng mga babae. Well as a wife, we still have responsibilities na ifullfill yung needs ng asawa natin. Minsan ito din kasi yung reason kung bakit sila nambabae. Oo di natin kasalanan. Pero dapat somehow maging rationalize tayo. Totoo yun. Simple lang naman. Bigay mo na. Kesa sa huli magsisi ka na hanapin nya yung kaligayahan sa iba.

Magbasa pa

Hindi sa minamaliit ko gawain mo pero madaming mommies dito na maliban sa hands on Kay baby,hands on din sa mga gawaing bahay. Kaya nilang pagsabay sabayin at the same time kaya nilang maglaan ng oras para sa mga partners nilang providers. Kung mabuting asawa partner mo in terms not only in a relationship but pati sa pagpoprovide,bakit mo idedeprive sa isang bagay na 5 minuto lang naman tatagal??

Magbasa pa
2y ago

@joanna wala naman kaming pake sa gusto mong sabihin,at sa gusto mong ipilit sa napakaliit mong kokote. Sinasabi lang namin yung katotohanan sa mundo na hindi mo maipipilit yang rason mo. Kung madaling kausap asawa niya,edi pakiusapan niya. NO NEED TO POST KUNG WALA NAMANG PROBLEMA. Solution binibigay namin,hindi yung ideology na katulad ng sinasabi mo kesyo ganito ganyan. Ulol,plastik. Sex naman talaga ang ugat ng lahat,dami mo sinasabi.

Around 2 to 3 months, I initiated oral lang sa hubby ko. He was hesitant baka daw kasi mapwersa ako dahil CS ako and walang tulog madalas. Pero I did it because I know physical touch is one of his love languages. He has to feel na he is still my priority kahit na madalas talagang ang attention ko nasa baby namin. Nung tingin ko kaya ko na ang sex, siguro mga 5 to 6 months na si baby.

Magbasa pa
TapFluencer

Hi miiii .. Wala namang magagawa ang hubby mo kung ayaw mo. Kasi kapag pinilit ka nya kahit asawa ka nya considered as rape. And we all have that feeling after giving birth na parang ndi naman natin kailangan ng s*x kasi ang focus natin 100% na kay baby. So, your hubby should understand. He needs to wait until you're ready to do it again. He needs to respect that anyway.

Magbasa pa

Kausapin mo na lang si hubby mo sis. Sa totoo lang, nakakawalang gana talaga after manganak kasi ipapahinga mo na lang kesa gawin pa yun haha. Tsaka recovering pa body natin. Si hubby ko, sya nag intay na ako mag initiate kasi ayaw nya akong pilitin. Mag 4 months na si LO nung nag do kami. Plus yung months pa nung buntis ako kasi bawal

Magbasa pa

Wag mo pilitin sarili mo kung ayaw tlga sis. Dapat naiintindihan yan ng asawa mo lalo at kapapanganak mo palang. Di biro mag-alaga ng bata,talagang nakakapagod yan. Mas better mag-do kayo pag both okay pero kung sabi mo nga pagod ka ipahinga mo nalang. Maganda din kung i-open up mo yan sa asawa mo.

i feel you mi sa sobrang pagod mo di mo na talaga yan maiisip kase pag tulog na si baby gusto mo nrn sabayan ng tulog sa gabi pero ako kinakausap ko si husband na hindi pa ok tahi ko masakit pa naiintindihan nman niya 2 months na hindi nman siya nangungulit tamang lambing lang.

VIP Member

Hi. Mas magandang i-explain mo na lang ng maayos sa asawa mo yung situation mo, at pagusapan ng maayos anong magandang gawin. Kesa yung pinapa-asa mo siya, magmumukhang tanga lang umaasa sa wala, kawawa naman yung tao.