Gusto ko lang po magrant. Nakatira kase kami sa lola ng husband ko, yung baby ko 20 days old pa lang at may times na sobrang fussy sya ayaw huminto sa iyak kahit habang dumedede sya saakin. Minsan ayaw din nya magpalapag sa higaan gusto karga ko lang. Tapos kanina naabutan kami ng lola ni husband na iyak ng iyak si baby. Kung ano ano na pinagsasabi na kesyo baka gutom daw (eh nagpapadede ako that time and every 2-3rhs tlga ako magpa dede sakanya), tapos hindi daw kase ako naglagay ng bigkis kay baby (ang alam ko hindi na yun advisable ng mga pedia), tapos bawal daw na naka short ako dapat daw naka pajama (eh ang init init ng panahon ngayon), tapos baka daw wala nang na dedede saakin(porket ba maliit dede ko? Eh nagleleak pa nga both breasts ko sa dami ng supply ko).
Feeling ko tuloy hindi ko ginagawa ang best ko bilang nanay sa mga pamahiin nila na di ko sinusunod. Ang hirap.