EveryDay is a Battlefield with my Husband

Gusto ko lang po mag share ng thoughts ko sobrang hindi ko alam hindi ko maintindihan sarili ko. Bakit kaya ganun dati mahal na mahal ko asawa ko nung wala pa kameng baby. Pero nun nagka anak ako wala na hindi ko na nararamdaman na mahal ko siya. Yes! Nandiyan siya nun nanganak ako sinuportahan niya ako sa pregnancy ko pero as time goes by narealize ko na nagkamali pala ako sa pag pili sa kanya. Every day kame nagtatalo hindi kame nagkaka intindinhan. I dont know if i can label him as a responsible one pero nakakahiya man isipin wala xang ambag sa panganganak ko SPERM lang ata ang nabigay niya para magka baby ako. Bills sa hospi nanay ko pa nag bayad 27k all in all. Nakikitira kame sa kapatid ko wala kameng maambag sa food bills kase hindi sapat sahod niya. Nahihiya na ako sobra hindi ko akalain na yung taong pinili kong mahalin or maging tatay ng anak ko e ganito halos na dedepress ako kase wala man lang damit si baby lahat second hand. Walang damit pang gala iisa lang bigay pa ng ate ko. Sa side niya walang halos ambag. Yan din cguro reason why bakit nababawasan na pagmamahal ko sa knya kase hindi xa good provider sa aming mag ina. Kapag naglalabas naman ako ng sama ng loob ang ending palagi nlng ako ang masama. 1 month and 6 days palang ang baby ko pero naawa ako sa knya kase d man lang maka provide sa knya ng deserve niya. Hindi ko alam kung paano maibbalik yung love ko sa knya before. Everytime naguusap kame palaging humahantong sa sagutan halos araw araw kame nagsasagutan. Admittedly nkakaranas ako ng PPD. Pero kahit gaano ko ipaglaban at isaksak sa utak ko na lilipas lang to everytime nakikita ko asawa ko kumukulo dugo ko sa knya.

4 Replies

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles