FEEL FREE TO JUDGE ME :)

Gusto ko lang malaman kung sino ang may malaking possible na ama ng baby ko. LMP ko is nung June 23, 4 days lang yon at base sa Ultrasound ko March 25, 2022 ang due date ko. Active kami ng bf ko hanggang July 8. Nagkaron naman ako ng contact sa ex ko July 11 at isang beses lang. SANA PO MAY MAKASAGOT, SALAMAT!!

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Para sa akin ay boyfriend mo sis ang tatay. May mga cases kasi na nabuo na si baby pero dinatnan ka pa rin. And if June 23 LMP mo then may contact ka sa BF mo till July 8, malaki talaga chance na siya ang tatay dahil mas malapit sya sa fertile days & ovulation day mo. Pero depende rin yan sis sa cycle mo. Once a month lang naman mag mature ang egg cell natin at 24hrs lang ang tinatagal nun unlike sa sperm cells na kayang mabuhay ng 3-7 days sa loob natin Hehehe I hope it enlightens you sis. Base lang naman lahat ng sinabi ko sa na search ko sa google hehehe Have a safe pregnancy journey momsh.

Magbasa pa

Alam mo ateng i feel you . Naranasan ko din yan kaya i know the feeling. Pero sabi sa akin ng bf ko tatanggapin niya si baby kaht hindi knya . Pero alam ko sa sarili ko na kanya yung baby . Tama nga ako after ko manganak pinadna niya si baby ng palihim then ayun nagulat nlang ako na 99.99% siya yung daddy . Alam mo yan mommy kung sino daddy niyan . Mapapatawad ka naman ng bf mo basta wag mo na ulitin ulit yun . Iwas stress lang mommy sa stress ah wag mo muna isipin yan isipin mo muna pagbubuntis mo para kaya baby.

Magbasa pa

same problem mie. pero sakin nag ooverthink lang Ako meron Naman na Ako assurance may nakausap nko mga ob. nagkataon sis same pa tyo ng problem July 11 din 🥲 July 3 & 11 sa ex ko then LMP ko based ultrasound July 30-31 EDD MAY 07. CONCEIVE DATE AUG 5 -14 Aug 1 -30 current bf

No offense meant pero bakit ka makikipag contact sa ex mo e may bf ka??

Magpa DNA ka poproblemahin pa namin yan jusko

2y ago

Hahahahaha true, dapat kasi consistent lamg sa isa para walang prob