depress na ako..
Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Kada time na kasi ng check up namin sa doctor laging sinasabe ni hubby na walang pera pero grabe sya makabili ng beer at sigarilyo. Start pa lang nung unang buwan ng tiyan ko. Sobra naman syang maalaga pagdating sa pangangailangan ko, pagkain. Pero pagdating sa unborn baby namin daming satsat. Sumasama nga sya sa check up pero laging nababagot. Bago ako bigyan panh check up o bago ang check up iiyak muna ako. saka sya papayag. Di ko gets. Nasasaktan din ako pag sinabihan niya ako na hindi importante ang bata dahil nasa tiyan palang daw. Para akong sinasakal sa sakit. Gusto kong magwala. Gusto kong mamatay sa harapan niya. Di ko maexplain ang sakit. Lage pa niya akong sinasabihan ang taba mo na, ang panget mo. Kahit english yun tagos sa apdo ko. Umiiyak nalang ako. Hanggang sa naisip ko, pag ako nakabangon, pag nakapanganak na ako.. hinding hindi ako magdadalawang iwan ka. Kahit anong trabaho papasukin ko para sa anak ko. Sa ngayon tiis lang ako dahil kailangan ko ang tulong niya para sa pagpanganak ko. Yung bawat luha na iniyak ko, hinding hindi mababayaran yun. Mahal ko siya , pero mas mahal ko ang anak ko at sarili ko. Walang kasing sakit para sakin na ibalewala lang aang bata. Ngayon nagbebenta ako ng mga gamit ko para hindi na ako manghingi pa sa kanya ng pang check up. Hindi ko deserve at ng anak ko ang ganitong pagtrato. Tinuruan niya lang ako paano tatayo sa sarili. Pinapangako ko sa sarili ko, hanggang july lang ang paghihirap ng kalooban ko, at mas mamahalin ko ang anak ko. By the way, kahit sinasabihan niya ako ng panget, tumitingin lang ako sa tiyan ko.. sinasabe ko na ang kapangitang ito ay sobrang proud ako, dahil may isang munting buhay na mamahalin ko habang buhay. Alam komg mahirap ang tatahakin ko, pero hanggat nagigising ako sa umaga may pag asa. Sa lahat ng sakit marami akong natutunan, isa na dun ang lumaban, mas mahalin ang sarili dahil tayo lang talaga pwedeng magmahal sa sarili natin, pag sinasaktan tayo ng taong mahal natin hindi sila ang magpapalaya sa sakit na nararamdaman natin, kundi tayo. At matutong umalis.. umalis sa sitwasyon kung saan nagiging bad na tayo sa sarili natin.. and be selfish sometimes para sa mga taong mas nagmamahal satin.