MALI BA AKO? PAADVICE 😢

Gusto ko lang iexplain sakanya pero ang nangyari nag away kami 😢 Magmula nabuntis ako at nagsama kami, lagi na saamin ang pamangkin niyang lalaki. Pinapasama sama na saamin ng Mama niya. Kapag aalis kami o may kung saan mang may lakad kami. Maliit pa pamangkin niya noon. Okay naman sakin napalapit na din naman ako sa bata. Until now 10years na din nakakalipas.. May anak nadin kami. Hatid sundo nya padin sa School at Asikaso.. Ok naman sakin pamilya ko narin naman. Kahit medyo malayo ang pagitan ng tinitirhan namin vs tinitirhan ng magulang niya kasama ang bata sinusundo niya parin at hinahatid. Maysakit man siya o wala.. Since may motor naman kami. Ngayon nawalan kami ng motor, wala na siyang magamit na pangsundo at panghatid nakikihiram nalang kami sa kapatid ko.. Pero bakit ganun? parang obligasyon parin niya samantalang may magulang naman ang bata. Sasabihin pa ng magulang niya na "Paano si ****?" Sino na daw maghahatid at magsusundo? Napaisip ako. Responsibilidad ba namin? Na dapat diba magulang niya ang gumagawa? Nandyan naman ang magulang? Dapat diba responsibilidad ng magulang ng bata yun? Yan ang pinag aawayan namin ngayon ng asawa ko. Okay lang sakin eh. Pero parang sobra naman na. Magmula noon hanggang ngayon? Paadvice naman. Tama ba na nagalit ako sa asawa ko? At sinabihan ko siya na hindi naman niya talaga responsibilidad yun diba? May sarili na kaming pamilya eh. Minsan pa napapansin ko na tila mas anak pa niya yun kaysa sa anak namin eh. Mas pinagtatanggol pa yun kaysa sa anak namin. Kapag mag aaway di muna pakinggan bawat side di patas. mas pinagagalitan ang anak namin kaysa don sa pamangkin niya. Mali ba ako? Gusto ko lang sana ng payo kung anung mali ko para maitama ko din if meron.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa tingin ko po, hindi naman sa mali kayo, miscommunication lang po siguro. Naiintindihan ko po at para sa akin ay may punto naman kayo. Baka para kay hubby, iba lang ang dating like you're being selfish (which I don't think so.) Subukan nyo po kausapin ulit nang mahinahon, ipaliwanag nyo po na concern lang din po kayo sa kanya at baka naman parang inaabuso na sya ng kapatid nya. Sabihin nyong ayaw nyo lang baka lumayo ang loob ng mga anak nyo sa kanya dahil sa parang bias sya, etc. I think understandable rin na parang anak na rin ang turing nya sa pamangkin nya. Pero whatever your real reasons are, sana ay maiparating nyo tama kay hubby para wala kayong miscommunication. Try to hear out his side as well ☺️

Magbasa pa