NAKAKATAKOT!

Gusto ko lang i-share. PS. Sorry mahaba pero sana basahin po ninyo. Nangyari 'tong mga ito last year. March 2019 nung bumukod kami. Kami pa lang ang nakatira dito sa apartment bukod sa may ari. Yung mga kwarto na for rent nasa 2nd floor tapos yung may ari sa baba lang nakatira. Nung una okay naman wala something until one day may biglang kumatok. 3 beses. Akala ng mga babies ko si Papa nila kaya binuksan. Pagbukas nila walang tao. Hangin lang. Kaya binilinan ko sila after nun na pag may kakatok tanungin muna kung sino tapos nilagyan ko ng mga rosary yung pinto namin na nabili namin nung magpunta kami sa Pampanga. November 2019. After nung naunang insidente wala naman na kaming ibang na experience since may mga tumira na rin sa mga tabing kwarto. Not until this month. 4 months na akong buntis nito. Yung unang experience ko.. naglalaba ako sa likod. (May terrace kasi 'tong nirerentahan namin sa likod.) Medyo ginabi ako. Sinabihan na ako na ipagpa bukas ko na lang. Sabi ko naman ilan na lang naman isasampay ko. Habang sinasampay ko yung una, may narinig akong huni. Akala ko ibon. Kaso habang tumatagal palapit nang palapit. Nung pakiramdam ko malapit na talaga siya sa akin sumigaw na ako. Kaya yung asawa ko, nagmamadaling pumunta sa akin tapos biglang nawala yung mga huni. Sabi niya di raw huni ng ibon yun. Pangalawang nangyari. Palagi kasi kaming nagpapatay ng ilaw sa gabi pag matutulog. Di ko rin kasi alam na bawal pala magpatay ng ilaw sa gabi pag may buntis. Palagi akong nagigising between 2 to 3 am. Nung mga una okay pa. Yayakapin ko lang asawa ko o di kaya si Kuya kasi sila katabi ko pag magigising ako tapos makakatulog ulit. Nung minsang magising ako napatingin ako sa mesa namin. (Studio type yung nirerentahan namin kaya halos katapat lang ng hinihigaan namin yung mesa) May nakita akong nakaupo na bata. Hindi ko aninag yung una pero bata talaga. Ginigising ko asawa ko kaso ayaw magising. Ginawa ko pumikit na lang ako ulit at nagdasal. Tapos kinabukasan kinuwento ko. Sabi niya wag na lang daw pansinin. Tapos nangyari na naman ulit. This time dalawa na silang bata. Babae at lalaki. Yung batang babae yung di ko makalimutan. Yung buhok niya kasi yung di ko malimutan. Yung style ng buhok niya parang buhok ni Mimiyuuuh o ni You Do Note Girl. Ganun. Kaya pag nakikita ko sila medyo kinikilabutan ako. Nung minsan na pumunta kami sa Parañaque, nagkwentuhan kami nila Mama na ganun din daw siya dati na maselan magbuntis sa asawa ko tapos meron daw dating batang babae na sinusundan siya hanggang sa bahay. Ang gusto raw makuha yung pinagbubuntis niya which is yung asawa ko. Tinanong nung asawa ko anong itsura nung batang babae na sumusunod kay Mama. Kung anong style ng buhok. Sinabi ni Mama na parang bao raw. Doon na ako kinilabutan. ? Ikatlo. Ngayon iba naman. Pag gising ko nakita ko asawa ko na katatapos lang maligo para pumasok sa trabaho. Laking gulat ko kasi pag tingin ko sa kanya wala siyang mukha. Akala ko nung una namalik mata lang ako pero hindi. Pumikit muna ako tapos nilagpasan ko siya saka ko binalikan. Nung binalikan ko siya saka ko siya sinampal. Nagulat siya kasi bakit daw. Doon na ako umiyak nang umiyak. Sabi ko wala kasi siyang mukha nung una kaya di ko siya pinansin at nilagpasan lang. Tapos sabi ko wag muna siyang pumasok. After ng mga nangyari nagpatingin na kami sa mga albularyo (2 albularyo kasi pinuntahan namin.) Wala naman silang sinabi about sa bahay na tinitirhan namin. Ang sabi lang nila lapitin daw talaga ako since mabango raw ang amoy ng buntis sa mga aswang. Kaya ang ginawa ng asawa ko nilagyan niya ng asin at bawang lahat ng mga bintana namin. Tapos pinayuhan kami na mag insenso kada alas sais ng gabi. Pinabendisyunan ko ulit yung medalyon ko ng St. Benedict pang proteksyon kahit saan ako magpunta. Madalas na ring itim at pula ang suot kong damit at di na rin kami nagpapatay ng ilaw at di na rin ako nagigising between 2 to 3 am. After kong mag insenso gabi-gabi tuwing alas sais, nawala naman na yung mga ganito. Kaso di ko na naman alam anong meron ngayon? Nung isang gabi pa may mga nag aangilang pusa dito. Tuwing umaga pag papasok sila kasi pang umaga sila (asawa at mga anak ko), palaging may mga pusa sa harap ng pinto. Gaya kagabi, sarap i-record nung sounds eh kaso baka iba mapakinggan ko. HAHAHAHAHA. Hindi naman ako likas na matatakutin kaso since ako lang naiiwan dito mag isa simula 5:30 ng umaga hanggang alas dose ng tanghali di ko maiwasang hindi. ? Never akong naka-experience ng mga ganito before sa panganay at pangalawa ko kaya nakakapanibago. ??

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako as of now im 3 months preggy walang ganyang experience kahit bundok na tong lugar namin at puro puno at mga alagang pananim di pa ko naka experience siguro dahil laging black ang suot kong damit kase mga damit ni hubby sinusuot ko eh komportable kase 😂 pero one time nung umuwi kapatid na babae ng asawa ko kasama yung asawa at anak non. kaya need namin sa sala matulog ni hubby kase mas malaki higaan sa kwarto kesa dun sa nilalatag na higaan namin sa sala eh .. pag kase umuuwi yung kapatid ni hubby matic sa sala kami matutulog pero pag hindi naman nauwi solo namin ang kwarto 😊 ayun na nga first time namin ulit matulog non ni hubby sa sala tapos malapit kami sa pinto at sa bintana yung bintana pla may butas kase basag na yun tinatakpan na lng sya ng cartolina tapos may harang na malaking card board nagising ako ng dis oras ng gabi ,i dont know if what time kase di n ko nag abalang tignan pa yung orasan dahil kaya din ako nagising kase nananaginip daw ako na sobrang sakit ng tyan ko at sa panaginip ko sumisipa si baby pero pag gising panaginip lng pla tapos ayun bigla ako napatingin dun sa may bintana pero wala namang kakaiba saka lahat ng kasama ko sa bahay puro mga tulog na tapos medyo natakot ako kase gawa nga nung bintana ,ako pa yung pinakamalapit non sa bintana kaya ginawa ko yumakap ako kay hubby nakatalikod ako sa bintana magkatapatan kami ng yakap tapos dinantayan ko yung hita ni hubby at idinantay ko din yung hita nya sakin para talagang magka cross leg kami hehe.. tapos ayun pray lang din then di na sumakit tyan ko.

Magbasa pa

well nakaexperience din ako nung ganyn.. nung isang gabi lang talaga.. umuwi kasi yung hubby ko for 3 days lang para bumisita sakin dahil nga buntis ako ang work nia ay sa bataan.. nung una .. ang naririnig ko lang yung paghilik ni hubby.. hindi naman ako naiirita since alam kong pagod sia lagi sa work nia.. ang sarap sarap ng tulog nia.. tapos habang humihilik si hubby.. may narinig ako sa bintana.. (FYI lang po mga momsh yung bintana kung san kami nakakwarto ni hubby ko ang katapat na nun ay pader ng kapitbahay namin which is isang dangkal lang kung susukatin ang pagitan.. ng bintana at pader ) tapos nakarinig ako ng parang asong "ulol" kung tawagin natin.. sa tunog lang damang dama ko na para bang naglalaway at nanggigigil o hayuk na hayuk siya.. hinahanap ko yung sound kung san yun nanggagaling,,tas tumingin ako sa bintana banda.. biglang nawala yung sound.. kaya napakapit ako bigla sa braso ni hubby.. ng sobrang higpit.. then kinabukasan kinwento ko na kila papa tsaka sa hubby ko yung experience ko.. sabi nila lagi daw ako magsuot ng black or red at maglagay daw ako ng asin dun sa may bintana.. the other night binalutan ko nalang ng red shirt yung tummy ko.. since magisa nalang ulit ako natutulog sa kwarto buhay yung ilaw sa salas pati sa kwarto ko buhay lang..

Magbasa pa

Share ko lang din po Yung experience ko nung buntis ako sa panganay ko,Hindi ko din kasama asawa ko nun umuuwi siya sa kanila dahil mas malapit work niya dun,tuwing off niya lang kmi nagkikita laya mag Isa lang din ako sa kwarto. Sa bahay parents ko ako nakatira,yung kama ko katabi ng bintana ewan ko ba parang naalimpungatan ako mga bandang 2:30am yun may naririnig akong pumapagaspas parang manok na titilaok. Tapos may nakita akong aninag ng ilaw ng flashlight sa bintana. Sakto huminto Yung pagaspas nun. Paggising ko ng Umaga naikwento ko sa nanay ko,sakto naman nandun din Ang tatay Ang Sabi niya Hindi daw ba ako nagising kaninang madaling araw,kasi may nakita siya malaking pusang itim sa may bakod nakaupo at nakatingin sa bintana ng kwarto ko. Sabi ko nagising ako dahil narinig ko Yung pagaspas ng manok. Dun lang pinaalala ng tatay ko Ala nga pala kaming manok nun.😱Nangilabot talaga ako,panu kung Yung pusa na yun,Yun pala Ang tiktik na sinasabi nila at baka sinisilip na niya ako sa bintana. Tapos bigla naging pusa siya dahil nga lumabas tatay ko para silipin. Hai Hindi ko makakalimutan experience Kona Yun,after nun nilipat na namin kama ko at lagi ako may rosaryo at kutsilyo sa ilalim ng kama. Lagi na din ako nakapula at itim.

Magbasa pa

Naiihi ako around 3am sis. Before Hindi ako nagpapasama sa husband ko kahit medyo malayo and banyo. Until one day, may lalaking nagtanong if pwede ba siya maki gamit ng banyo. Tumango Lang ako Kasi common Naman Yung banyo. Hindi ko namalayan na dalawang besis na palang nangyari Yun tapos same time and same guy. I told my husband about the guy, Sabi Niya never daw na may maki gamit ng banyo samin, tapos Alam padaw ng lalaki na may banyo sa likod which is Hindi po Kita Kasi papasok. Pina describe Niya sakin Ang mukha ng lalaki at Ang Sabi Niya hindi Niya kilala. Simula non, lagi na ako nag papasama sa kanya sa banyo at Hindi ko na nakita ulit Ang lalaki. Pero after non, binabangongot Naman ako every 3am. Pagka gising ko after night mare. Halos maiyak ako sa takot, tapos gigisingin ko Yung husband ko. Syempre titignan Niya anong oras tapos Alam kona Yung sagot 3am :( tapos mangyayari na namn kinabukasan same time padin. Buti nalang parang may ritual na Alam Ang husband ko. Nag pray din ako and read bible. With God's grace hindi na naulit lahat. 3 months preggy na ako ngayon. Pero naka paty Ang ilaw namin while sleeping Kasi Hindi nakakatulog c hubby if with lights. Ngayon sinabihan ko na patayin na Ang ilaw hahaha.

Magbasa pa

Naku sis ganyan din nararansan ko sa bhy kc ako lng mg isa dhl ang asawa ko nsa dubai nung nag bubuntis ako sa baby nmin ako lng mag isa dto sa bhy. Tpos nung una wla nmn ako narramdaman kaso nung pag tungtong ng mag 4 months na tyn ko ayun na d nko makatulog balisa lagi. May teris din kc ang bahy nmin sa labs ng kwarto. Tpos nag simula nko lagnatin kya pinatwag ko na parents ko para smahan ako sa bhy ko. Tpos nung dumating na cla mama ko bigla ako kinalibutan kaya sabi nila umuwi muna akonsa bhy nila kc nga ako lng mag isa sa bhy ko. Tpos nun kinabusan ok na hinde nko nilagnat kila mama nung umaga pero pag dating ng hapon nilagnat ako ulet. Kya nag message ang asawa ko na mag patwas ako muna. Kya ayun nag patwas nga ako. Laking gulat ko may nakita ung mang ttwas sakin na lagi dw nsa teris nmin at nag bbantay samin mga ina. Hinde lng dw mkalapit kc may pangontra ako kaya sabi nung mangttwas kung may pangontra dw ba ako sa katwan ko sabi ko oo bala ng baril, bawang, 3posporo palito, at asin. Kaya dw pla hinde sya makalapit samin. Kaya cmula nun hinde nko nilagnat pa at gumaan na pakiramdam ko. Pro d pako nabalik sa bhy ko kc ako lng mag isa ehhh.

Magbasa pa

Dami po talagang mga ganyang, Ewan ko bakit dito Lang Naman sa pinas, parang sa ibang lugar di Naman sila nakaranas Ng ganyan, correct me if I'm wrong. Pero baka kasama na din Kasi sa mindset Ng Pinoy, we are raised to believe in such things. Ako din Hindi ako mahilig magpapaniwala Kasi it's against my faith as a Christian. Pero since nagbuntis ako, sa panganay ko pa Lang mag si six years ago di ko maiwasan mangamba Kasi minsan talaga may maririnig Kang yabag sa bubong, e yero Lang bubong samin. Hindi mo iisipin na pusa Kasi Ang bibigat Ng tapak eh. Tapos minsan kala mo malaking ibon. Kaya nagkukumot ako Ng pula or malaking damit. Ngayon Naman binigyan ako ng byenan ko Ng dalwang pirasong Bala Ng baril, maliit Lang sya pang 22 caliber Lang, mga natira Lang sa gamit Ng byenan Kong lalaki na retired Marine. Mainit daw sa katawan to Ng mga elemento Kaya proteksyon daw namin ni baby, tinahi ko sya sa maliit na tela tapos tinahian ko din Ng Tali nakatali sya sa may iba Ng dibdib ko. For security purposes lang, para totoo man sila o Hindi may panlaban ako. Pero pinakamalakas na proteksyon pa din Ang prayer. Kaya pray tayo lagi ..

Magbasa pa

Naku Mami, share ko lang din yung akin. ganyan din ako nung mga 2 months palang ako. Nagigising ako ng mga 2 or 3am dahil may naririnig ako sa may bubong namen na parang may malaking tao naglalakad na diko maintindihan kung anong ginagawa tapos biglang mag aangilang yung mga pusa. Sobrang takot ko nun. Kinabukasan, sinabi ko sa hubby ko at naglagay kame ng asin at bawang sa bintana. Sa awa naman ng diyos wala na kong naririnig pag madaling araw. Sabi ng hipag ko, ganun din daw sya nung buntis. Naaaninag pa nga daw nya. Kaya Pray lang tayo always 🙏🏼

Magbasa pa
5y ago

Pwede po bang ibang elemento yung ganun? Palagi rin po kasi ako nagigising ng 2 to 3 AM tapos kadalasan naiihi ako so need ko mag cr, pero ganun din po, kapag nasa cr na ako lagi may parang naglalakad or nagwawalang ewan sa bubong namin, mabuti na lang kapag nagigising ako ng ganung oras lagi akong sinasamahan ng aso namin sa cr tapos tatabihan nya na ako matulog. Huhu

Halo sis !! I respect your religion and beliefs about the images and ur rosary. Sabi nga sa bible then you will know the truth and the truth will set you free John 8:32 ang mga images ay ginagamit ng kaaway or pinamamahayan ito I want you to read and encourage you to open your bible about the bad spirit,curses that until now ur generation is still manipulating u. Magpray ka bugbugin mo sa pRayer wala karapatan ang mga entity na yan kapag PANGINOON JESUS ang tinatawag mo..Exodus 20:3-6, Psalm 138:7 ok.

Magbasa pa
VIP Member

Nung buntis dn ako feeling ko lapitin nga dn ako sa mga gnyan .. nggising ako madaling araw.. meron p pag nag nanap ako ng hapon feeling ko nababangungut ako... ung paulit ulit nagigising pero d magising gising ... ngigising p ko mga 2-3 am dn na feeling ko may nktingin saken hahaha jusko kaya never ako ngpapatah ilaw nun sa gabi

Magbasa pa

Ako din nagigising ng alas tres at natatakot, hindi ko alam kung bakit. Kaya minsan ginigising ko si hubby or niyayakap ko siya. Ngayon mag isa nalang ako, ang hirap makatulog sa bahay namin kasi palagi ako nagigising ng alas tres. Ginawa ko pinapalampas ko yung alas tres at dun na ako natutulog or minsan nga 5am na ako natutulog.

Magbasa pa