Kwento ko lang ☺️☺️

Gusto ko lang e share tong kwento ng kapatid ko .. Si kuya ko kasi (MC) sobrang tahimik nia, isang tanong isang sagot sya kaya nakakainis kasama . 27 years old sya tas ung gf (daisy) nia 21 , mas matanda ako ng 2 yrs sa gf nia .. maayos naman ung gf nia, un nga lang napaka active nia sa social media, lahat nalang pinopost .. isang araw nag message sakin ung klasmate ko nong highskul (fey), nangungumusta tas gusto nia daw ako e meet kasi antagal na din namin hindi nagkikita kaya pumayag ako . Ang kwento nia sinaktan daw sya ng kuya ko, pinaasa pero never naging sila , mas bata din tong si fey sakin . Tas sa kanya ko pa nalaman na buntis daw pala si daisy pero diko pinansin ung sinabi nia kasi nga walang sinasabi si MC . Umiiyak si fey habang nagkwekwento, feeling ko sobrang mahal nia si kuya kaya sya nasasaktan habang nagkukwento, sabi pa nia na nag pipills daw sya kasi takot syang mabuntis so meaning my nangyayari sa kanila din ni kuya . Magkalapit lang kasi ung bording house ni kuya sa bahay nila kaya pumupunta si fey don .. Bago manganak si daisy nalaman nia ung 'friends with benefit' nila kuya at fey, sobrang nagalit si daisy to the point na ayaw niang makita at ipa apelyedo ung bb nia sa kuya ko .. sobrang nag sorry naman tong si fey na hindi nia daw sinasadya ganon, hanggang sa nanganak na nga tong si daisy hindi namin sya iniwan ni kuya . Kaming dalawa ang kasama nia hanggang sa pag uwi nia . Naging maayos na ulit ang relation nilang dalawa , wala na rin akong balita kay fey .. After 2 years, nag tex si kuya sakin na e message ko daw si fey kung kelan manganganak . Juskooooo nawindang ako kasi alam kung sya ang tattay nong pinagbubuntis nong babae 🤦🤦 so tinext ko pero after 1 week saka nagreply kasi nahihiya daw sya sakin .. gusto kung magalit kay kuya pero di din naman nia ko papansin , kinonvince ko nalang sya na sabihin na kay daisy . Syempre sobrang galit at iyak na naman si daisy pero hindi nia pinatulan si fey . Tumahimik lang ulit sya .. (hindi nagpakasal si daisy at kuya kasi madami pa daw pangarap si daisy, mas maaabot daw nia un kung single muna sya) . Ang gusto ni daisy lahat ng sustento idadaan sa bangko or sakin , bsta wag magpapakita si kuya kay fey pero ewan ko ba kay kuya everymonth pumupunta sya kina fey , siguro para makita nia ung bata pero para kay fey nagbibigay ng pag asa sa kanya un para maging sila .. hanggang mgaun kasi umaasa parin sya kasi nag hindi kasal ung dalawa . Hanggang sa my nasabi ata si kuya sa kanya na hindi nia nagustuhan at nagpost ng napakaraming paninira sa kuya ko , na kesyo daw pinaasa sya, hindi nia daw alam na my gf at anak si kuya . Dinamay nia pa si daisy kaya un nag sumbatan sila sa comment section at messenger na pati mga kaibigan nila nakisali .. sobrang nainis ako kay fey kasi masyado syang nagmalinis . Nong january 2021 , kasal ko . Kinuha naming sponsor ung parents ni daisy , hindi ko inenvite si fey pero feeling nia invited sya since magkaibigan nga kami , ayaw ng kuya ko na pumunta si fey at ung bb nia kasi hindi pa alam ng kamag anak namin at ung side ni daisy na my anak na iba si kuya kaya kahit nakakahiya sinabi ko parin kay fey na wag muna umattend . Pero nagpumilit sya , wala daw syang paki alam sa sasabihin ng iba pero dba? Moment ko ung araw na un, sigurado pag pupunta sila, sila ang pag uusapan at papansinen ng mga bisita .. at the end nagalit sakin si fey at sinabing bahala daw ako , hayyyy Si fey na naglalapit ng sarili nia sakin at sa pamilya namin kasi after nong kasal sinabi na ni kuya na my anak nga sya sa iba. Syempre tuwang tuwa naman tong si fey, bsta ang sinabi namin kay kuya ung bata lang . Pero ang gusto ni fey pati dapat sya welcome daw .. welcome naman sya sa family pero kung my gathering hindi naman pwede na meron sya , e meron na nga si daisy . Parang nawawalan na sya ng respeto, hindi nia ma e lugar ung sarili nia . Hindi nia kasi maaccept na kabit sya kasi daw hindi kasal si kuya at daisy , walang legal daw sa kanilang dalawa .. Hanggang ngaun nagpaparinigan parin sina fey at daisy sa fb, panay ang post nila sa mga sarili nila .. ang nakakainis lang kasi , parang ayaw ni kuya na my bitawan sya . Si daisy ang legal sa family at friends namin pero nagkikita parin sila ni fey . Parang sya lang din nagbibigay ng hope kay fey 😔 naaawa ako sa kuya ko kasi kitang kita ko ung stress sa muka nia, ang laki din ng ipinayat nia pero naiinis ako kasi hindi nia kayang tumayo sa desisyon nia . Dahil nga sa sobrang tahimik nia lahat nalang ng sinasabi ni fey at daisy oo nalang sya . Hayyyy Un lang naman ☺️ pati kasi ako nadadamay sa kanila .. gusto kong pagsabihan si kuya pero diko mahanap ung tamang words na sasabihin sa kanya . Any advice po?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kaya ganyan si kuya mo kase may fey na napayag ng ganung set up. Even yung daisy di din mabitawan si kuya mo. Ang maganda lang dyan single pa si kuya mo so di sya madedemanda at mapapakulong kahit madami syang babae. Magsustento lang sya ng tama sa mga anak nya.