lampin

Gumagamit pa ba ng lampin ngeon pra sa new born baby?

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes po. Pero ako ang ginawa ko sa lampin nya yung half ginupit ko ng maliliit pansapin sa likod nya. Yung half naman pamunas nya pwede din na pangsapin sa higaan pagnagdedede sya para hindi nalalagyan ng gatas yung bedsheet.

VIP Member

Yan na nga new trend ngayun momsh. Binabalik na ang lampin. Ganyan advise sakin lalo na newborn kasi di pa heavy wetter at nakaka 10x halos magpalit ng diaper. Kaso di ko alam kung kakayanin ko. 😅

VIP Member

Ako po 5 months preggy pero nag ready na po ako ng lampin nya :) mas gusto ko po na yun ung gagamitin nya hehehe tapos pampers nlng kung aalis kami

Yes naman po mommy! Ako po nag invest sa cloth diaper at talagang makakatipid ka po pero dapat sipag ka po maglaba. 😊

VIP Member

Di ako nakagamit lampin sa baby ko. Binilhan ko pa man din ng lampin at clip para sa lampin 😅 diaper agad siya heheh.

Ginawa ko lang yung lampin pamunas kay baby ko. Di ko siya ginamit as alternative sa diaper. Tamad ako maglaba hahahaha

Ok naman po sya kailangan lang masipag maglaba. Kung full time mom po kayo para sakin ok ang lampin. 🙂

Yes po sa araw naka lampin lang si baby, sa gabi diaper na.. Para makasingaw din skin nya sa diaper😊

Super Mum

As diaper depende sa yo. Pero napakauseful ng lampin.😁 burp cloth, sapin, nursing cover etc.

Yhap. Bumili ako ng 1 dosena Para tuwing morning. Balak ko kasi night lang mag diaper si baby ii.

Magbasa pa
6y ago

Sa shopee ng order aq, isang set na xa ng Baru baruan tag 3pcs..tpos my kasma na 6pcs na lamp in.. 775 pesos poh.