βœ•

96 Replies

ang strechmark lumalabas yan it means hindi kaya nung balat natin yung ganung pagkastrech may iba na wala nito dahil ibig sabihin mas elastic ang balat nila kumbaga parang goma na kayang iunat ng malaking malami compared sa maliit na goma na kapag pinilit mo iunat ay mapuputol , ok lang yan mga mommy dahil jan sa mga strechmark na yan ay nagkaroon naman tayo ng angels , meron din ako at first syempre nakakapanibago nakakawala ng confindence pero kung iisipin kung wala kang strechmark baka wala ka din cute na cute na anghel , maglilight din yan lalo sa mga kakapanganak at firstime pa lang , taon din bago maglight kagaya sa akin naglight naman kahit wala akong ginamit na kahit ano , much better pa nga kung dark why? dahil ang dark na strechmark ay chance na mas mabilis lang mawala lalo sa treatment hindi kagaya ng mga light na strechmark ibig sabihin nito ay mas malalim at medyo malabong mawala ng tuluyan kahit ipatreatment/laser mo pa ito , keep safe mommies πŸ˜‰

true mamsh kahit anong ilagay mo kung hindi elastic balat mo mag kaka stretch mark ka talaga, di ako nag kakamot kaya akala ko hindi ako mag kaka stretch mark pero nag start sya lumabas nung nag 8 months na ko, im 38 weeks now.

37 weeks. zero stretch marks sa tummy. but nag expect ako na sobrang dami. since highschool kasi madami na ako stretch marks sa thighs, butt and balakang. as in. maybe sobrang sanay na skin ko sa stretching and shrinking kasi super fluctuating weight ko for the last 17 years. like may time na nag gain ako ng sobra but then lost 60 lbs in a short amount of time. tabain kasi ako tas mahilig pa kumain. haha. kaya always ako tataba, then diet, then tataba ulit. so baka nga sanay lang skin ko sa change. theory ko lang to. idk din if nakatulong yung coconut oil and sunflower oil. i've been applying alternately at night since week 25.

anyway mommy, don't worry so much. stretch marks will lighten naman over time. i posted a few days ago na wala ako marks sa tummy at 37 weeks. but ive had stretch marks sa thighs, butt and balakang ever since I was 14. they're not so bad. battle scars yan. :) i love my stripes and honestly wouldn't mind if I had them on my tummy as well.

VIP Member

saken konti lanh stretchmarks ko nung buntis ako.naglabasan sila nung around 7mos preggy na ako. tingin ko kaya konti lang saken kasi mejo malusog na talaga ako bago pa ako magbuntis i mean ung skin ko stretch na tlga sya πŸ˜… kaya nung nagbuntis ako mejo lumaki ung tyan ko hndi ganun kadami stretchmarks. it also depends sa elasticity ng skin mo momsh. i used human nature sunflower oil nung lumabas stretchmarks ko

VIP Member

Di ka nag iisa mamsh πŸ˜‚ Mas maitim pa sakin dyan para na talagang mga marka ng pakwan yung mga stretchmarks ko. Halos mapuno na ng stretchmarks yung tyan ko. Para na siyang stretchmarks na tinubuan ng tyan πŸ˜‚ Okay lang po yan mag lalighten pa naman yan pag katagalan mamsh. Depende din kasi yan sa type ng skin natin. Remembrance satin yan ni baby 😊

Mas grabe sakin ultimo singit, pisnge ng pwet, leeg, kili kili sobrang itim , yung singit, legs, binti, hanggang likod ko nga may stretch marks din. Hahahha natatawa nlng kami ni hubby, sabi nya mas importante healthy ni baby , pabelo nalang natin sissy hahaha

VIP Member

28 weeks preggy. ito strechmark ko sa sides. base sa experience ko pink pa kulay nung dove ginamit kung sabong kasi nakaka moisturizer nang balat. nung naubos silka sinunod ko, and ang kati kaya nakakamot ko at nangitim na. ngayon back to dove nanaman kahit mahal basta nd lang ako nangangati.

thanks po sa advice☺️and care na din

Same tayo mommy ang dami ng Saken ganan din Tapos kulay pink siya. Pero still blessed as long as safe si baby at part naman siya ng pagiging mommy 😊 so keep it up meron naman way after naten manganak pAra matangal siya πŸ™‚ Keep safe kayo ni baby Godbless ❣️

ganyan din po sa unang baby ko mamsh. lalo na pag dehydrated tayo. dapat po first trimester palang napigilan niyo nang magkamot at panay inom niyo na po ng tubig. at panay lotion po ng moisturizer. pero ok lang po yan mamsh. that's normal 😘

Ako nga akala ko hindi ako mag kaka stretchmarks eh☹️ pero nung mag 37weeks nako doon lang lumabas sya... kahit anong lagay ng lotion mo jan lalabas at lalabas tlga sya pag nabanat yung skin mo ng todo. 39w nako now

Ito lang po sakin isang guhit na strechmark, 8months na ko now. and praying na Sana wag na dumami πŸ™ Sabi Kasi nila kapag 8-9months na doon na lalabas kaya todo lagay na ko moisturizer para maprevent hehe 😁

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles