TOOTHACHE

Grabe na po ang sakit ng ipin ko. Hindi naman po sa pagmamayabang pero noong dalaga pa po ako ay maganda at maayos ang ipin ko, never ako nagkaproblema. Pero ngayon na buntis ako, yung dating maayos at magandang ipin bigla na lang ako nagkaroon ng black hole naguumpisang lumaki, cavity ganun. Intindi ko naman na kaya siguro ganito kasi nagaagawan kami ng calcium ng baby ko. Bukod sa pagmumumog ng maligamgam na tubig na may asin, ano pa po ang remedy dito? Di ko pa kasi magawang magpa-pasta dahil sa kalagayan ko. Help please sobrang sakit na eh. Thank you.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Same po tayo, dati po nainom pa ako ng biogesic para ma ease ng konti yung sakit pero hindi sya tulad ng mefenamic na matagal ang epekto. Ngayon po pag sumasakit ay pinapalagyan ng mom ko yung ngipin ko directly sa may cavity ng mixed na salt and crushed garlic. Effective po sya sakin

5y ago

Thank you so much. Gawin ko yan ngayon. Sa sobrang sakit nga eh gusto ko na sya bunutin gamit pliers.