2weeks ppd

Grabe kala ko pagka panganak ko ginhawa na hindi pa pala mas mahirap pa pala yung pagdadaanan pag andyan na si baby mahal ko yung baby ko mahal na mahal ko at masaya ko kase binigay sya samin ni Lord , pero sobrang hirap nakaka guilty may time kase na iyak ng iyak si baby ayaw magpalapag , tapos dedede makakatulog saglit pag binaba ko magigising iiyak ulit Ni 1oras na tulog hindi ako makakuha minsan nasisigawan ko si baby kase sa sobrang hirap at pagod hindi ko alam yung gagawin ko everytime na uncomfy sya minsan iyak nalang ako ng iyak dasal ng dasal na sana kayanin ko lahat , naaawa nadin ako sa sarili ko kase ni sapat na kain , ihi diko magawa, Hays para kong mababaliw, yung asawa ko pag walang trabaho pag nasa bahay lang hindi naman maasahan walang tyaga mag alaga kay baby , pano nalang yung baby ko pag nagkasakit ako HUHUHU pray for me and for my baby mga mamsh gulong gulo na yung utak ko hindi kona alam yung gagawin ko feeling ko napakasama kong nanay pag yung anak ko diko makuhang patahanin at patulugin😭nanghihina na yubg katawan ko sa puyat pagod at gutom ebf ako ang lake na ng pinayay ng katawan ko 😭 Mga mi paano nyo nalagpasan yung newborn stages ni baby please give me some advice and tips hindi kona alam gagawin ko

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mi! Hope you’re feeling a bit okay now 😊 1st baby po ba? Pakatatag ka mami para sa sarili mo and kay baby. Try mo busugin si bby ng husto, nabanggit mo kasi na nag papabf ka aky baby, if hindi kaya ng katawan mo mi try mo mag mix fed kay baby, if hindi madami mag produce ng milk ang boobsie mo try mo mag mix, explore kayong dalawa ni bby. 2weeks and 3 days pa lang din kami ni baby,nung 7days after i gave birth may follow up check up ako kay ob (post partum care) my bp is not normal, too high daw eto and 1 thing that cause it is yung pagpupuyat. Sobrang gusto ko kasi i achieve ang mag pure bf sa 2nd baby ko, i was advised na wag pilitin kasi eto yung time na pwede tayong magkaron na seizure and can even lead to death (heart attack), so ang ginawa kong solusyon dahil di din naman ako makatulog sa maghapon, yan yung time na nagpapalatch ako every hour, then pag 6pm onwards na (usually dating ng hubby ko) siya naman kako magpadede (formula) from 6pm to 10pm or pag sinuwerte na mahaba ang tulog ni LO straight din ang tulog ko from that time kasi si hubby naman nag aasikaso sakanya, sa madaling araw ako na ulit, mahaba na ulit ang 3hrs na tulog namin ni LO pero kahit papano humaba na tulog ko unlike nung 1st 1 week namin na halos walang tulog. SKL mga mi baka pwede niyo makopya routine namin ni LO and hubby 😊 basta don’t over do it po, hindi po tayo nagiging masama/pabayang nanay kung gustuhin man natin ng pahinga. Kasi our body needs it 😇

Magbasa pa

ramdam ko po nararamdaman mo mii, 11 days old palang si baby ko, minsan iniisip ko na mas madali pa pala nung nasa loob pa sya ng tiyan haha pero sobrang saya naman nung lumabas sya mahirap nga lang talaga kapag di mo maasahan yung partner mo. grabeng hirap dinanas namin ni baby nung nasa hospital pa dahil napaka init walang electric fan, bawal ang kasama sa loob ng ward, di makakain sa tamang oras, di makapag cr dahil walang bantay si baby kaya ang nangyari halos manghina ako sa loob inabot ng 4days bago kami nakalabas ni baby kase hindi agad naayos yung mga papers na kailangan ayusin para makalabas kami. akala ko dun na matatapos hirap ko kase makakalabas na ko sa iniisip ko sa wakas may makakatuwang na ko sa pag aalaga pero mali pala haha lalo lang humirap kase kung ano nararanasan ko sa loob ng hospital ganun parin paglabas dahil di ako maasikasi ng partner ko😅 nakakatulugan ko minsan wala akong kain, pagod na pagod ako lagi kase pure breastfeeding si baby, sa madaling araw pag nagigising si baby ni hindi man lang gumigising tatay nya nakakaasar sa pakiramdam yung ganun pero kinakaya ko nalang, kaya mii pakatatag ka do your best parin para kay baby minsan nakakainis talaga sa pakiramdam lalo na kapag di mo mapatahan si baby maiiyak kana lang talaga sa hirap ng pag aalaga at inis sa partner mo.

Magbasa pa

ramdam ko yan mii, 3 weeks palang c baby. nung first 2 weeks literal 30-1 hr lang ata tulog ko. sakit buong katawan ko. nakakatulog baby ko usually habang nadede ng gatas tpos hindi ko xa mapa burp khit anong tapik ko sa likod nakatyo man o ung nakaupo. kaya upright daw 30 mins kaso habang waiting ng 30 mins lagi ako muntikan makatulog sa sobrang antok may time na dn nakatulog ako nagulat nalang ako kc buti hindi ko nabitawan si baby khit nsa bed lang. pray lang tyo kakayanin natin mii. pag tulog xa oras ng gawaing bahay or un na ung babawi ako ng kain, hindi ko rin kc masabayan matulog sa umaga/tanghali c baby pag tulog. kinukurot ko nalang sarili ko palagi sa madaling araw para hindi ako antukin 😐 o lakad lakad habang hinehele c baby

Magbasa pa

hello mi, same tyo ung first 2weeks iyak lang dn ako ng iyak, wlang tulog kain puyat pagod, tipong nakapikit ka pero nasa isip mo si baby baka napano na or what, pero tandaam mo mi preho kau nag aadjust dlawa, in time makukuha mo rin ung routine nyo at makakapag adapt ka rin pakonti2. ako mi tlagang sinabi ko sa sarili ko na mahirap ang newborn stage at ok lng umiyak, ok lng dn humingi tulong sa parents o kapatid if hndi maasahan ang husband. kaya mo yan mi, 5weeks na kami ni baby puyat pa rin at pagod pero nakakapag adjust na kmi preho . kaya mo yan, di ka nag iisa, lilipas din yan newborn stage . pray pray din mi, 🙏

Magbasa pa
2y ago

salamat mi praying na sana makayanan ko🫶 ayoko magpakain sa lungkot at depresyon kawawa yung baby ko pag napano pako❤️🙏

hello mi im 21 yrs old sec baby wala katuwang 2 lang kami ni mister nagwowork sya gabe ako baby ko ganyan din pero di umiiyak bfeed ako ok lang na puyat pagod diko din maasahan mister ko pag off kasi halos wala na sya pahinga dahil nga gabe work nga umaga uwi nya ako keri lang wag po sigawan si baby mam kasi wala pa alam yan ako halos wala talaga katuwang nung naglalabor ako wala kasama keri sakit malapit lang lying in dito samen hangga ngayon wala katuwang naglalaba nagluluto naglilinis lahat ako buti nga si ako nabibinat e wag masyado pa stress mi

Magbasa pa

2 weeks and 4 days pa lang baby ko... pero kinakaya ko lang ang puyat at pagod....ako Lang din mag isa ang nag aalAga sa baby.at sa panganay kung anak.kAhit magdressing Ng CS ko mag isa ko lang din ginagawa😊....iniisip ko na lang na Kaya ko to at kakayanin pa😊

Same po. pero di dumating sa point na nasigawan Baby.. kinakaya! at kakayanin. Makinig ka din music na nakaka relax nakaka help yun Mi. Goodluck satin 🤗

Ask ko lng po. Normal lng poba sa baby na 6 or 7 dyas na hindi nakaka popo 1month old plang po ung baby ko?