Facial Care
GoodAM. Any suggestion po na pangmoisturize ng face? Hindi talaga ako mafacial care na babae. Wala rin po akong breakouts. Kaya lang nitong patapos na ang second tri, nagdry yung face ko. From half cheeks pataas sa may forehead masakit rin sa mata dahil nagdry yung paligid nya. Thank you po.
Magandang umaga! Salamat sa iyong tanong. Para sa pangmoisturize ng iyong mukha, maaari mong subukan ang mga natural na langis tulad ng coconut oil, jojoba oil, o argan oil. Maaari mo rin gamitin ang mga non-comedogenic na moisturizers na hindi magiging sanhi ng breakouts sa iyong balat. Importante ring maglagay ng sunscreen araw-araw para maprotektahan ang iyong balat sa harmful UV rays na maaaring makasama sa dryness ng iyong balat. Kung may mga specific areas na masakit at nagdry, maaari mo rin maglagay ng soothing gel o aloe vera para ma-hydrate ang balat. Huwag kalimutang uminom ng sapat na tubig upang ma-maintain ang tamang hydration ng iyong balat. Sana makatulong ito sa iyong concern, salamat! Voucher ₱100 off 👉🏻 https://invl.io/cll7hw5
Magbasa pathanks po sa mga sumagot. nagtry na lang muna ako ng cucumber slices and it worked. nagtry ako ng aloe vera gel pero first pahid pa lang, ang hapdi na. kaya sabi ni hubby pipino na lang and okay na. nilagay ko sa ref para mas malamig pa and nawala dryness
Use a mild lotion mi, tested ko na po is cetaphil. Yun lang po gamit ko nung buntis ako, safe po talaga na advise din ni OB ko, but ask your OB na din po kasi possible because of the hormones lang po yan mawawala din naman po yan after giving birth po.
cetaphil lang gamit ko sa face kaya di na ko nagmmoisturizer kasi moisturizing na din yun. gamit ko na yun before pa mabuntis, try nyo din pwede sya any skin types sure pang safe sa preggy
Unilove Vegan Cream mi. Heheh mild lang sya, pangbaby. Pero maganda talaga makamoisturize ng face.
aveeno moisturizing wash therapy
celeteque