Looking for hospital

Good pm po Ask ko lng po kung sino na pong nanganak sa ospital ng maynila..kmusta po experience nyo sa panganganak doon?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nakunan ako sa 1st baby ko nung July at dun ako nagparaspa. kung maramdamin ka, ndi sya pede sayo kase may pagkamasungit mga attendant dun. pero isipin mo nlang na kaya sila ganun kase halos 24hours ata shift nila. Maasikaso naman sila. Basta be polite lang sa pagsagot sa mga katanungan nila. mas gusto nila na nagpacheckup ka dun kaya dun ka manganganak. dala na lang ng electric fan.. medyo mainit kase talaga sa bawat ward. mas maganda kung ang mapuntahan mong kwarto yung nandun na yung cr, para di ka na makiki-cr sa ibang room. after 3days at naasikaso kaagad yung philhealth(para sa bills), makakalabas ka na. Balak ko dun ulit para sa panganganak ko next year. Kumpleto kase sila lalo na kung sa bigla cs saka di ka pa gagastos ng malaki, basta nakakahulog sa philhealth.

Magbasa pa

Salamat po..