32 Replies

Parang mas payat pa ako sayo momsh, ang pinagbabasehan ko lang po ay result ng ultrasound. Within normal range daw po ang fetal weight and size ni baby kahit payat ako sabi ng OB. 33kg lang po ako before mabuntis, 45kg na ngayon pero di ko alam san napunta yung nadagdag na weight kasi payat pa din naman ako at di sobra laki ng tiyan ko 🤭 almost 2kg si baby ngayon na 33w na kami. Try mo po more on protein ang kainin kasi yun ginagawa ko at suggestion ng OB at Dietician ko. Simula po 3rd tri, less rice na ko para iwas GDM tapos bawi naman pagbuild ng muscle kasi panay ulam, isda na ma-protein, nuts, and sinasabayan ko lang ng fruits and veggies para healthy diet.

Hindi po ganon mii, not all the time na maliit ang tummy, maliit na din si baby. Ako nga mii di halata na 5-6 mons ako nung july-august pero yung baby ko mas malaki size sa age niya 🤣 Ngayon naman 8 mons na kami, ewan ko nalang kasi malaki si baby last ultrasound ko. Pero di super laki ng tummy ko, but, ramdam ko na yung laki niya 🥰 kalma ka lang, wag ka makikinig sa sinasabi ng iba as long as ok kayo ni baby sa check ups/ultrasound 🥰

Hindi Po yan ako before magbuntis 39kls lang Po as in payat Po tlga ako as in Hindi mkpniwala Yung nagtatanong kpag sinasabi Kong kung ilangnmonths na akokasi Ang liit daw tlaga Ng tiyan ko pero at 39W lumabas si baby 3.1kls Meron Po tlga atang nagbubuntis na sinasabi nila na puro bata Ang laman pag nanganak ka nmn parang di ka nanganak as in sa akin flat tlga walang naiwang bilbil 🤣🤣🤣

wag po tayong magbase sa laki ng baby bump naten mag base tayo sa ultrasoud yung sakin nga malaki tyan ko at 41 weeks na pero 2.7 lang si baby paglabas at dapat talaga sa ganyang weeks mag discipline ka na sa foods iwas sa matatamis at control sa pag rarice mag more on gulay para di ganun kalaki ang magain na weigjt ni baby

Mii, ganyan din po ako nung nagbubuntis hindi po ako tumaba at maliit lang tyan ko nun kaso naCS parin ako dahil malaki si baby. nagulat nga OB ko kasi maliit tyan ko nun pero 3.8 ang kilo ni baby. kaya diet ka na mii wag masyado sa carbo

Mas maliit pa sakin jan mhie hindi pa rin nakalabas pusod ko😅 currently 34weeks preggy, ang dami nagssabi maliit even nurse. pero bawi sa ultrasound ko sakto pang 34weeks si baby ko, very good pa nga ko sa ob ko eh hehe

same lang po tayo maliit din tiyan ko at payat din ako 35wks & 4days na tiyan ko sabi din po sakin ng midwife wag na daw ako masydong marami kumain lalo pag rice, para hindi na gaano lalaki ang tiyan ko at para mabilis daw ako manganak.

ganyan din po sakin miii baby girl maliit din po tyan ko. pero Sabi sa ultrasound Tama lang ang laki at haba ni baby. meron talagang maliit magbuntis. first time mom din ganyan din noon ang inaalala ko hehe

normal po yan mommy, 35weeks na po ako pero 2454grams lang si baby sa loob ng tiyan ko, bibigat at lalaki pa po si baby at tsaka mas madali ka po manganganak if maliit lang si baby. normal po yan sa unang pagbubuntis

If okay Naman Ang results mo Wala lang poproblemahin . Yung problema mo sa OB mo po itanong sya lang makakasagot Po kasi iba iba Po Ang karanasan Ng mga nagbubuntid . Better yet ask ur OB .

Trending na Tanong

Related Articles