Good morning, momshies! Tanong ko lang kung nakakaapekto po ba talaga kay baby ang pag-iyak at pagsama ng loob kapag buntis.
I am almost 6 months pregnant, and so far very happy naman ang pregnancy ko because of my partner. As in inaalagaan naman niya ako at iniintindi kahit nakakainis ang ugali ko minsan.. kasi nga, alam niya 'yung mood swings and pagiging mas emotional natin kapag buntis. Actually wala kaming away na malala, and ang gaan lang talaga ng pregnancy ko because of his love and support.
Ang problema ko talaga kung tutuusin ay ang family ko (mother and sister). Sila lagi nagpapasama ng loob ko, especially my mother. Kahapon po kasi nag away kami ng mother ko at sinabihan niya ang baby ko na illegitimate child (although totoo naman, masakit pa rin talaga, especially coming from my own mother!) At saka hello, first apo niya ito... Hindi niya ba mahal? Naawa ako talaga sa baby ko na hindi pa lumalabas eh nahusgahan na agad kaya napahagulgol talaga ako, asking my baby for forgiveness dahil hindi ko mapigilang sumama ang loob ko. Sana lang po hindi makaapekto sa baby ko 'yung nangyari kahapon kasi halos maghapon akong umiyak ☹️