Masama ba talaga umiyak 'pag buntis?

Good morning, momshies! Tanong ko lang kung nakakaapekto po ba talaga kay baby ang pag-iyak at pagsama ng loob kapag buntis. I am almost 6 months pregnant, and so far very happy naman ang pregnancy ko because of my partner. As in inaalagaan naman niya ako at iniintindi kahit nakakainis ang ugali ko minsan.. kasi nga, alam niya 'yung mood swings and pagiging mas emotional natin kapag buntis. Actually wala kaming away na malala, and ang gaan lang talaga ng pregnancy ko because of his love and support. Ang problema ko talaga kung tutuusin ay ang family ko (mother and sister). Sila lagi nagpapasama ng loob ko, especially my mother. Kahapon po kasi nag away kami ng mother ko at sinabihan niya ang baby ko na illegitimate child (although totoo naman, masakit pa rin talaga, especially coming from my own mother!) At saka hello, first apo niya ito... Hindi niya ba mahal? Naawa ako talaga sa baby ko na hindi pa lumalabas eh nahusgahan na agad kaya napahagulgol talaga ako, asking my baby for forgiveness dahil hindi ko mapigilang sumama ang loob ko. Sana lang po hindi makaapekto sa baby ko 'yung nangyari kahapon kasi halos maghapon akong umiyak ☚ī¸

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang sabi nila our babies can feel what we feel without them understanding it. Ako rin momsh, recently napaiyak ng todo dahil di makauwi husband ko from abroad eh malapit na ako manganak. Pero after non, pinalakas ko loob ko, para na rin kay baby. Saka tiwala na lang sa Dyos. Yung sayo naman momsh, dont focus on the negative words ng family members mo. As much as possible iwas ka na lang muna sa encounter with them para di ka maistress.

Magbasa pa
VIP Member

Nkksma dn sis kay baby yung pag iyak mo kaya hyaan muna lang muna 😊 kc ako nung buntis ako khit na sstress ako at gusto kuna umiyak pinipigilan kuna lang kc c baby dn ang kawawa