KWENTUHANG MOMMIES

Good morning mommies! ? What was the first thing you said after giving birth?

147 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nasan ang baby ko. Ecs ako. Hinihintay ko ang baby ko kahit sobrang nakakaantok ang anesthesia. Sabe din kase ng anes doctor wag ako matulog para marinig at makita ang baby ko. Ang una ko narinig ma alam ko nakalabas na si baby ay sumigaw sila baby boy out! 10:08pm.....after nun nakita ko tumatakbo ang nurse palabas may bitbit na balot sa tela... Ang una ko sinabe sa isang doctor na naiwan "nasan na baby ko" ang reply lang nya is mamaya ibbgay sayo wag ka mag alala, hanggang sa nakaidlip ako. Pag gising ko nasa recovery room ako. Lahat ng nurse dumadaan hinahanap ko baby ko. Saan na ang baby ko kailan ko makikita. Wala sila reply kundi mamaya ibbgay sayo. Hanggang sa dinala nako sa kwarto. The 2nd day morning hndi parin binibigay sakin anak ko. Nakatulog ako at nagulat ginigising na ko ng nurse at sinabe "mam itatabi na sayo baby mo" Nakakaiyak sabik na sabik ako sa kanya. Nalaman ko lang sa ob na 10mns pa sya umiyak. And husband ko una nakakita sa kanya at umiyak sa harap nya Today 4mons na baby boy ko. Healthy and madaldal❤️

Magbasa pa

Srsly, sabe ko "pwede pumasok asawa ko?". Naiiyak ako while giving birth, kase this was the first time na wala ni isa akong kasama sa OR. The pain and sadness nagsama. Pagkalabas ni baby, narinig ng asawa ko tapos pumasok na sya. I smiled habang umaagos luha ko 😭 i used to giving birth na anjan papa, mama ko.. pero wala sila. Even my husband wala dn

Magbasa pa

totoo pala yun sinasabi nila pag manganganak ka constant sa isip mo nagdadasal , na safe si baby kahit second ka na lang.nung nakalabas na sya, overwhelmed ako sa saya, parang yung pakiramdam na pinagsama lahat ng celebration sa buhay ko on her birthday .

6y ago

Totoo mumsh..maiiyak k dn tlg

thank you lord na may kasamang luha kasi nakakaproud sa sarili na sa sobrang sakit nag labor mailalabas ng healthy ang baby..nung nanganak na ako tulala lang ako kasi hindi ako makapaniwala na kaya ko hehe..

"Uyy, ikaw na pala yan." referring to my baby nung linapag na sya sa dibdib ko. Di ko kasi namalayan lumabas na pala sya o di lang talaga ako nag expect na ganun sya kadaling lalabas 😄

VIP Member

Wala ata, ewan ko grogy ako non pero nilapag na saken yung baby ko taa tiningnan ko lang at narelief parang sa isip ko non ah yan baby ko, okay.. tas nakatulog na ko non,CS kase ako eh

'ok lang po ba ung baby ko?' kasi nahimatay n ako pagkaire ko kay baby hndi ko na namalayan na ipinatong xa sa akin nagkamalay ako dinadala na ako sa recovery roon

"Thank you Lord! Then bat ang tagal i pa latch si baby." Yun pla 50-50 na baby ko kaya pinatong lng saglit skin tpos pina kiss tpos labas na sila NICU agad

Ako di muna nakapag salita agad inantay ko marinig iyak nya pigil hininga pa ako.. Tas nong narinig ko na nasambit ko nalang na "salamat lord nakaraos na"

Thank u lord, din umiyak talaga ako. Kasi nung buntis pa lng ako, pinagdasal ko talaga na wag nya po akong pabayaan pati c baby n safe kami..