Good morning mommies! Tanong ko lang advisable parin ba ang bigkis?
Alam ko kasi hindi na pero sabi ni mama huwag daw ako magbaon sa ospital ng bigkis kasi nga bawal daw. Pero dito nalang daw sa bahay. Okay lang naman sakin pero okay lang poba kung after nalang matanggal pusod ni baby para makasingaw yung sugat?
Atsaka, naiirita ako kapag may mga bagong bigay na damit para kay baby kasi nilalabhan ni mama ng detergent tapos fabcon na ang tapang ng amoy as in nag tatagal. Kaya bawat laba tapos natutuyo pinaplantsa ko agad para mawala yung amoy. Nag pabili ako sakaniya ng perla para ako nalang mag lalaba kapag andito nasi baby. Ayaw niya kasing makinig sakin bawal ang fabcon at detergent na di naman pang sanggol eh, wala naman kami pambili ng ganung mga detergent for kids kaya nag perla ako. ? sabi ko pabayaan ko muna sa ngayon. Kapag andito nasi baby ako na mag lalaba lahat ng dadamitin niya kasi lalagyan nanaman ni mama fabcon yun maasar lang ako for sure. Hayst.
P.S
Naiirita ako ayaw ko sana mag bigkis at ayaw niya makinig sakin sa pag lalaba ng damit ng baby. Naiintindihan ko naman kesyo mas may alam sa pag-aalaga pero iba naman kasi yung panahon nila sa amin ngayon. ???♀️ ayoko lang na pinangungunahan ako lalu na kung ako naman nasa tama.