ANO PO ANG SUSUNDIN KO NA EDD?
Good morning mga mommies. Tanong ko lang po ano po ba ang susundin ko na edd yung based from my lmp o yung based po sa ultrasound results? Sabi po kasi ng OB ko most accurate ang result ng TVS UTZ na ginagawa kapag first trimester kaya lang po hindi po ako nagpaganon kaya hirap po ako kung ano ang susundin ko na age ni baby. Ang unang ultrasound ko po is nung 6 months na si baby. Nalilito po tuloy ako kung anong EDD ang susundin ko. Nakaka-tatlong ultrasound na po ako and yung 1st & 2nd result ay same January 29 ang due date pero ngayong 3rd ultrasound ko ay Feb 10 ang due. Based from my lmp naman po dito sa app ay January 13 ang due date ko. Patulong po mga mommies. 🥺 Thank you po in advance sa mga sasagot. ❤️