19 weeks & 4 days Preggy

Good morning mga mi Ask ko Lang kung pwede nang Makita Ang gender ni baby 19 weeks and 4 days pregnant . At kung hind pa Makita ung gender makikita poba sa ultrasound kung healthy at ok nmn ba Ang pag develope ni baby . Nag woworry kac Ako lalot working mom Ako 9 hours nakatayo and tagtag sa trabaho . Salamat in advance

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pwede nang makita kung maganda ang position ni baby para madaling makita ang genital. kaya minsan, hindi pa cgurado or hindi pa makita. sakin ay nakita at 23weeks. CAS na ang pinagawa ni OB para makita kung ok ang development ni baby. dun makikita ang mga organs, measurements, limbs ni baby. kapag pelvic ultrasound lang, lalo na kung hindi nageexplain ang sonologist. ang makikita lang ay gender, amniotic fluid, size/AOG/EDD ni baby. then kung wala namang ibang findings, ok si baby.

Magbasa pa
1y ago

CAS ay congenital anomaly screening. mas mahal ang CAS. nasa 3k ung sakin. pelvic ultrasound din sia pero mas matagal dahil dun makikita ang overall health ni baby.