?

Hi good morning, 17 weeks preggy na ko today. pero sabi ng iba ang liit ng tyan ko. Ang hina ko kumain ng rice, kapag nasosobrahan ako sa rice nasusuka ako. May mga ganon ba talagang nangyayari??

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Okay lang yan momsh usually naman 18 weeks or 5 months na nagsstart makita ang bump. Wag mo po pilitin kumain ng marami dahil lang pinepressure ka ng mga tao sa paligid mo. Sabi ng OB ko small frequent meals lang, pinagsabihan din nya hubby ko na wag ako pipilitin ubusin pag di kaya. As long as kumpleto vitamins mo, milk tska fruits and vegetables keri lang kahit kumain ka paunti unti every 2 to 3 hours. Wala din sa laki ng tyan ang pagiging healthy ni baby since iba iba ang katawan ng mommies na nagbubuntis. Wag mo palakihin at this stage sa pagkain ng carbs kasi sobrang lolobo pa sya on your 3rd trimester, bka mahirapan manganak. Ang importante ngayon yung nutrients na nakukuha ni baby at hindi yun sa kanin. πŸ™‚

Magbasa pa

Ganyan din po ako mahina ako sa rice ksi pag nasobrahan parang bloated na bloated ako na nasusuka. Unti unti nalang po kainin nyo and aim for healthy food. Quality vs quantity. Malaki na po tyan ko now. Petite mom lang ako

Thank you po sa infos. 😊 binasa ko ng malakas para marinig ng husband ko kasi isa din sya sa pumipilit sakin kumain ng maraming rice at umaabot na kami sa point na nagtatalo πŸ˜‚ Thank you po 😊

ganian din sakin sabi daw hindi halata hahha ang liit daw d naman.ksi ako tabain yung d pa ako buntis, ung hindi ako nagkakabilbil kaya accept ko na maliit tiyan ko hehehe, tyka matakaw pa ako sa kanin hehehe

VIP Member

Iba iba naman ang pagbubuntis mommy. Wala naman yan sa laki ng tyan. Ibawi niyo nalang po sa fruits at veggies kung nahihirapan po kayo kumain ng kanin. And more water intake po.

Kapag sumuka ka . kain knalang ulit wag mopo indain kase ikaw lang mahhirapan nyan ako poSobrang selan ko pero dko iniinda kaya akala nila hindi ako maselan

VIP Member

Try mo po palitan ng ibang meals yung alam mo na d ka susuka pra ma maintain mo lang ang pagkain ng tamaπŸ‘πŸ»πŸ˜Š

Normal lang po yan, babalik din po ung gana nyo sa pagkain after ilamg weeks. 😘

And bawi ka nlng din sa vitamins and milk

VIP Member

yes mamsh, its normal