Good evening po. Share ko lang po story ko. This is my 2nd time of pregnancy. My first one was July 2019 then supposedly my EDD was scheduled March 2020 but nag-Early labor na ako January 2, 2020 pa lang ng madaling araw.. Bago yan nakaranas na ako ng bleeding 2mnths palang tiyan ko then nag take ako pampakapit non, bed rest tas ayun akala ko okay na hanggang yun January 2, 2020 nanganak na ako sa Fabella. 30 weeks lang si baby nun, not fully developed pa ang lungs and nakitaan din ng infection sa dugo, sepsis. January 08, 2020 nang gabi hindi na kinaya ni baby at she passed away na.. Pero isang buwan pa lang ata nakakalipas nabuntis na ulit ako... at ito na nga 22 weeks and 1 day na akong pregnant. At itong August 3 lang nagbleeding ako... as in marami at agad kaming pumunta ng partner ko sa district chineck agad heartbeat at thank God po nahanap naman... nagpa ultrasound ako at sabi ng doctor okay naman si baby, mataas ang placenta sa labasan ng bata pero nakaposisyon na po agad si baby.... tumigil na rin po ang pagdurugo ko nung August 6 lang po.. Paano po ba ‘to? Ano po ba dapat kong gawin para maging safe na kami ni baby?? Tinurukan din po ako ng gamot non pampadevelop sa baga ni baby just incase mag early labor ako... natatakot po ako... ayoko na maulit yung una... :((