Karapatan kay baby

Good evening po mga mommy gusto ko lang sana mag ask about sa karapatan ko sa baby ko. I have 8months old baby boy (first baby) hiwalay kami ng papa ng baby ko pero sa mga magulang namin hindi kami hiwalay. 22yrs old nako and siya 20yrs old student siya ako graduate na. Balak ko mag abroad pag nag 2yrs old si baby pero sabi niya kukunin niya daw samen si baby, hindi daw pwede sa parents ko na sila yung mag aalaga. Ayoko po ibigay sakanila yung baby ko kase nung buntis palang ako hindi nila ako pinapansin kahit hanggang manganak nako. Ni hindi manlang sila pumunta o ano. Hindi rin siya consistent babaero pa. Pag naman dumadalaw siya dito hindi niya rin naman ganun inaalagaan si baby. Kaya ang gusto ko po sana na set up namin pag nag abroad ako e dumalaw dalaw lang sila pero hindi nila mahihiram si baby. Okay lang po ba kaya yung ganun? Kahit na nagsusutento sila? Natatakot po kase ako baka makuha nila ang baby ko :( hindi naman po ako madamot pero yung sakit po nung nagbubuntis ako hanggang sa manganak eh hindi parin po ako nakakamove on. kaya po ako mag aabroad dahil para sa baby ko para saming dalawa dahil ayoko na umasa sa parents ko at sa nanay niya. Sana po mapansin at may maayos na sumagot. Gulong gulo na po kase ako dahil sinasabi niya sakin makukuha daw po nila si baby dahil sakanila naka apelido tatay siya ni baby at nagsusustento daw po sila :( #firstbaby #karapatankaybaby

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

That's tricky. Kasi may batas naman talaga na pag hiwalay ang parents tapos may anak na 7 years old and below, automatically sa babae magpupunta ang bata. Pero since mag-aabroad ka naman, baka kuwetiyunin nila na di naman ikaw mismo nag aalaga kay baby.