PREMATURE BABY

Good evening po mga mamshie gusto ko Lang Sana maglabas ng sama ng loob. Ako po ay nanganak nung March 9 ,2021 Pero ang due date ko po tlga is May 10,2021 Nagkaroon po kasi ako ng high blood nung pagbubuntis simula nung pag 7months ko na sa baby ko. Ung bp ko umabot po ng mga 180/90 first baby ko po siya kaso po di na po tlga napigilan ung paglabas nya. 😔 nung March 6,2021 dun na po nag umpisa na bigla may lumalabas na parang tubig sa panty ko un pla is panubigan na po . Hanggang sa Pa unti-unti sumasakit ung puson ko na parang may regla. Kung saan saan kme naghanap ng hospital ung iba di kme tinatanggap kase wla daw po kme check up sa knila. Nakarating kme sa pasay gen. PGH Manila, Tondo hospital, fabella, hanggang sa tinanggap nmn kme sa tondo hospital, at fabella. At ito na nga nung March 9,2021 ng tanghali nagtuloy tuloy na ung labor ko hanggang sa sinugod na ako sa fabella. At nanganak na ako pero di ko kasama baby ko sa pag akyat sa ward. Dahil nasa Nicu po siya! Pinanganak ko po siya ng 31weeks 😭😭😭😭 pero umabot lng sya hanggang 4days . #advicepls #pleasehelp At ito na nga po simula nung nawala po si baby namin parang naging cold na po sakin ung asawa ko dahil siguro wala na baby nmin . Nung buntis sweet po sya nun pero ngaun parang lagi nalng po syang galit sakin konting mali lang galit na sya agad . 4months pa lng po ako nanganak . Hindi po kase sya naniniwala na may binat po ung mga nanganganak akala po kase nya nag iinarte ako. Kapag may sinasabi ako sa knya na may masakit sakin example po ung masakit po ulo ko at batok at naglalagas po ung buhok ko wla po sya pakealam akala nya po nag iinnarte ako . Dko na alam gagawin ko parang gusto ko na po makipag hiwalay na iistress na po ako s kanya ang dami nya pa pong utang nangungupahan pa kme ang daming bayarin kase sabi ko po sa knya na wag muna kme mangupahan dahil may hulugan pa sya ng motor 6k a month. At mag iistart pa lng po ako sa work . Stress na stress na po ako gusto ko nalng po makasama baby ko sa heaven 😢😭😭😭 para wla ng problema !!!😖😖😖😣😞😞#advicepls #pleasehelp #1stimemom #firstbaby

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

umuwe ka sa magulang mo baka Ikamatay mo yan

Related Articles