First time mommy

Good day po ok lang po ba ang fruit tea at milktea sa buntis ? Ang sarap po kasi hinahanap hanap ko po hays 😩 hindi po ako kompleto pag walang matamis sa isang araw 😢 sana may makasagot salamat po #pleasehelp #firstbaby #pregnancy

First time mommy
23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

in moderation lang momsh. depende din kase mamaya diabetic ka makasama sayo at sa baby. ako kase tinigil ko milktea gawa nung pearl nya is made out of cassava na medju risky kay baby. minsan nag iice tea nalang ako pero 3x a week or once a week lang pag sobrang crave lang ako. enjoy lang sa pag bubuntis 😉 wag tayo masyadong mastress. as long as mind over matter lahat is in moderation. it will be ok. yan ay para saakin lang naman momsh ha. ingat! 😊

Magbasa pa
VIP Member

fruit tea and milk tea same na tea po may caffeine po yan momsh pwede pero limit lang suggest ko lang po wag araw araw kasi sabi ng ob ko nakakalaki ng baby ang mga matatamis at bawal din po ang lalampas sa 200mg of caffeine per day, in moderation lang pero pwede naman 🥰 stay healthy po sa inyo ni bb

Magbasa pa
3y ago

Salamat po momsh. Kasi yan po hinahanap ko lalo pg sumasakit ang ulo ko nakakarelieve po

ako nga po twice a week fruit shake na may tapioca pearls pa.. tinigil ko lng nung 8months na..though lumaki si baby, okay lng kc malusog siya nung nilabas ko. milk tea ang alam ko di pwede, di kc pwede green tea sa buntis. baka mag early labor.

depende kasi yan sa results ng lab mo and depende sa diagnosis ng OB mo. ako kasi na diagnosed ng ODM hehe kaya halos 9 months walang matatamis and change diet ako to protein fiber mumsh 😂. sakripisyo lang para healthy si baby.

Momsh, avoid muna matatamis d po maganda baka magaya po kayo sa akin na nagka gestational diabetes nung buntis aq, and mahirap po magka-gdm, lumalaki po c baby sa tiyan and prone to CS po pag ganon.

Ok lang po uminom niyan. Basta wala po kayong minemaintain sa sugar level 😊 nung buntis din ako puro ako Matcha Milk Tea hahaha di naman ako diabetic at normal naman yung OGTT ko. Hehehe

3y ago

Ay yung baby ko. Hindi. Emergency CS ako. Cord coil kasi baby ko sa leeg at kili kili. Di makababa. Hehe

TapFluencer

iwasan if kaya po. mahirap po baka lumaki si baby sa tyan mo at alam ko po bawal masyado ang tea dahil caffeine content po din sya tulad sa coffee. at baka tumaas sugar mahirap na.

Pwede naman po . Kaso ready ka ba mahirapan manganak pag sobrang laki nya or ready ka ba sa mga complications kay baby due to high sugar . So in moderation lang po ingat palagi

nakakapagcause ng UTI at diabetes ang milktea momsh yan sabi n doc kaya dapat medyo iwasan natin, pwedi naman uminom in moderation at damihan mo take ng water.

ako sobrang hilig sa matamis nung nabuntis di kumpleto araw ko kapag walang matamis hehe pero normal naman sugar ko at lahat ng labaratory ko 😅

3y ago

normal lang po yon kapag dimo na po kaya sakit ng ulo mo biogesic lang po kasi ayon lang pwede satin ☺️