Natagtag sa Tricycle
Good day po. Magtatanong lang if may same experience po ba sakin dito na ang madalas sakyan ay tricycle? Feeling ko po kasi ay natagtag ako sa byahe. 2 days naman na po nakalipas pero parang may something kasi. May gumuguhit na mild pain sa left puson ko pero nawawala naman sya. After po kasi nung byahe namin na yun which is malapit lang naman kaso ang alog kasi ng tricycle, parang medyo naging sensitive yung pakiramdam ko. Parang yung puson ko lagi na may gumuguhit na mild lang talaga na sakit. 18 weeks pregnant and first time mom.