Sleeping during noontime and drinking cold water
Good day po, ftm po ako at currently on my 33 weeks. Ask ko lang po kung totoo po bang nakakapag lead sa CS ang pagtulog kapag tanghali at paginom ng malamig na tubig? Madalas po kasing kulang ang tulog ko kapag gabi kasi po mas active si baby kapag gabi hanggang madaling araw kaya po nakakatulog ako kapag tangahali (30minutes to 1 hour lang po lagi) kaso po lagi akong pinapagalitan ng mama ko at sinasabing pwede daw akong maCS kung matutulog ako pag tangali. Hindi ko naman po mapigilan sarili ko kasi po ramdam ko talaga yung antok lalo na po pagkatapos gumawa ng nga gawaing bahay (kahit nakaupo po minsan nakakaidlip ako). Tapos sa pag inom din po ng malamig na tubig. Lagi po kasing init na init pakiramdam ko kahit katatapos ko lang maligo at gustong gusto ko pong uminom ng malamig pati po pumapak ng yelo, kaso po lagi din akong pinapagalitan ng lip at parents ko tungkol dun, na bawal nga daw po kasi nakakalaki daw ng baby ang malamig, pero nung tinanong ko naman po sa OB ko ang sabi hindi daw po totoo yun at okay lang daw pong mag cold water ako. Kaso lang po nung sinabi ko po sa parents ko yung sabi ni OB ang sabi nila, ganun daw talaga sasabihin ng doctor kahit hindi totoo para mas kumita sila etc. Naguguluhan na po ako, ayaw ko naman pong sagutin parents ko, pero at the back of my mind gusto ko pong sabihin sa kanila na hindi naman nag aral yung mga doctors ng ilang taon para lang magsinungaling sa magiging patients nila. Nastressed na rin po ako sa kakaisip at di ko na alam sino po susundin at papaniwalaan ko. π #advicepls #pleasehelp #pregnancy #1stimemom #firstbaby Thank you in advance po.



