WORRIED
Good day Momshie's worried ako kasi nag spotting ako kahapon lang (4months preggy) diretso agad ako sa OB ko at nag pa Ultrasound abdominal and TVS. binigyan ako ni OB ko nang gamot " ISOXSUPRINE HCI". tanong ko sa nag spotting same ba tayo nang medication??
No worries po mam hndi nman po magrereseta si OB ng ikakasama nyo po. Pamparelaks po yan ng matress para maprevent an miscarriage. Nainom ko din po yan wala po ako spotting pero nasakit an tyan at puson.
Nung nag spotting tsaka bleeding ako during pregnancy niresitahan ako ng heragest para pampakapit tsaka isoxilan for uterus relax. Wag mo putulin yung pag inom nya para makita mo taalaga effect ng gamot
duphaston reseta sakin nung first trimester ko tapos nung 12weeks bako pinalitan ng OB ko ng Isoxilan. Tulad ng sayo. Risky din kasi pregnancy ko tas nagte take ako nyan pag naninigas tyan ko
prevent lang pre term labor..nag isoxsuprine duvaprine din ako..pampakapit lang din yan..nakareseta pa sakin yan hanggang ngayon kung sakali magbiyahe ako at nagspotting naka prepare lang
Isoxsuprine din ang binili ko noon sis nung nagspotting ako. Pero ibang brand. Ito sya tas sacomment box yyng picture nung nagspotting ako. 3 times a day ko ititake yan for 7days.
Same tayo sis, nag spotting din ako nung nakaraan friday lang na admit pa ako, ganyan din reseta sakin need bedrest pero ok naman na kami ni baby going to 7 months na din siya
Yan din sa akin noong 4mnths pa lang s bby sa tummy ko, ng spot ako sis, bedrest dn 1month :) pang pa kalma dn yan sis :) ngayon 8mnths na si bby s tummy ko :) ThanksGodπ
Yes ganyan din sa akin
Same tayo momsh. Nung 5 mos preggy ako. Once a day lang sya pinatake sa akin. Pina relax lang yung matres ko sabi ni OB kasi nag kacramps ako at konting spotting.
Ako nung 1-3 months ko duphaston (high risk kasi) tapos nung 5 months uli pinainom ako iniba ginawang ixocilan. Di ko knows ano pinagkaiba baka depende sa month?
Ako walang spotting. Pero one month akong umiinom ngayon nyan. Naghihilab daw kasi tyan ko. Pait ng lasa. Hahahaha. Pero okay naman kasi once a day lang ako umiinom
anung nem po nya
Mummy of 2