BLESSINGS FROM GOD
UPDATE: MAY NAPILI NA PO KAMI. Priority po namin yun malapit na manganak. Nagcomment na din po kami dun sa apat po na napili namin. Pasensya na po sa iba. Maraming salamat po. Good day mga Momsh. Gusto po sana namin magshare kahit unti lang po sa mga Momsh na wala pa nabibili na gamit kay Baby. Yung nangangailan po sana talaga para makatulong po kahit unti po. Eto po yun picture na bibigay po namin. 4 na Momsh po ang mabibigyan natin. Salamat po. Stay safe and Godbless po. #BlessingsFromGod


Sana po mapili niyo ako mam. 7mos na po ako, walang-wala po talaga ako. Kahit pinaglumaan po kahit kalahati presyo mam, bilhin ko nalang po kesa po bago e di na po talaga kasya sa budget. Kakapalan ko na mukha ko sainyo, sana mapili niyo po ako. Para po sa baby ko, para may maisuot po sya. Salamat po.
Magbasa pa


