Madamot

Good day mga mommies. Tanong lang po kung madamot na po ba ako? Ganito po kasi yun, nakabukod na po kami ng asawa ko year 2018 pa po. Yung mama ko sa amin po nakatira kasi only child ako and wala na rin papa ko. Walang problema yun tanggap ng hubby ko yun. Ang di ko po maintindihan is yung mga kapatid ng mama ko po. Sa amin kasi kumakain lage, ginagamit yung mga gamit namin sa bahay. Sa amin din po nagluluto. Dati hinahayaan ko lang kasi may work din naman ako kaya lang po last year na close po yung pinagtatrabahoan ko and wala ako work ngayon. Sabi din naman ng hubby ko tsaka nako mag work ulit pahinga nalang daw muna ako. So basically, siya lang nag proprovide para samin kaya po bina budget ko po talaga. Nahihirapan po kasi ako kasi kahit condiments sa bahay namin doon kumukuha yung mga kapatid ng mama ko. Kahit nakabukod na kami di ko parin ma feel yun. Masama na po ba ugali ko nito? Pasenya na po sa inyo mga mommies nilalabas ko lang po sama ng loob ko. Wala akong masabihan.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Di ka naman madamot. Pero mahirap talaga yang ganyang sitwasyon. Pwede siguro momsh, kausapin mo yung mama mo. Dapat sya ang kumausap sa mga kapatid nya na wag naman kayong gawing pangkabuhayan. Kamo, nakakahiya sa asawa mo kasi sya lang ang bumubuhay ngayon sa inyo at sana marealize ng mga tito/tita mo yun. Nakukuha rin naman sa mabuting usap yan, pero mas mainam, sa kapatid nila manggaling. At least hindi parang ikaw pa ang mahihiyang magsalita. Opinyon ko lang naman yan.

Magbasa pa