bigkis
Good day. Gumagamit pa po ba kayo ng bigkis para sa baby? Sa ospital po kasi na pinag anakan ko sabi po nila wag gumamit ng bigkis. 20days na po baby ko. Tuyo na po ang pusod.
FYI sa bigkis. Dinala sa aking clinic kamakailan lamang ang dalawang buwang gulang na sanggol dahil sa madalas na pag-ubo, madalas na pagsusuka lalo na pagkatapos dumede, hirap sa paghinga at pagiging iritable. Sa aking eksaminasyon, tumambad sa akin ang matinding pagkakabigkis sa bata (makikita sa litrato sa ibaba ang marka ng bigkis sa sanggol) at may narinig na rin akong senyales ng pulmonya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit IPINAGBABAWAL NA ANG PAGGAMIT NG BIGKIS. Paano makakahinga nang maayos ang isang sanggol kung napakahigpit ng pagkakabigkis sa kanila at hindi na makakapag-expand ang baga? Paano ninyo aasahang bababa ang gatas sa bituka kung may matinding harang na nilagay sa kanyang tiyan? Malamang magsusuka talaga sila, mapupunta ang ilang patak ng gatas sa baga at magiging dahilan ng pulmonya. IWASAN NA PO NATIN AT HUWAG NANG IPAGPILITAN ANG MGA NAKAUGALIAN NGUNIT NAPATUNAYANG NAKASASAMA SA MGA SANGGOL. #BawalNaAngBigkis #DocHugotCares
Magbasa paSaglit ko lang po ginamitan bigkis yung baby ko. Para lang po iwas laki ng tyan at saka nung time na nakalabas yung pusod nya dahil sa kakaiyak.
Dun Sa Una Kong Baby Gumamit Ako Ng Bigkis Pag Dating Sa Bahay Kasi Sa Hospital Parang Clipp Na Ung Ginagamit.
Hindi na po advisable gumamit, naiipit po ang tiyan ni baby at may tendency pa pong mahirapan huminga.
Sabi po wag gagamit ng bigkis para nakakasingaw at mabilis matuyo
Hindi na po advisable ang bigkis
Aq gagamit pa din πππ»
Did not use it.
No to bigkis.