My birth experience

Good day everyone! Let me share my childbirth story. Since 37 weeks pregnant ay 2 cm dilated na ko pero di talaga umusad hanggang nag39 weeks ako nung sunday, Sept 19. Check up ko nung Sept 19, praying na sana may progress na at sana maglabor na rin kasi malapit na rin talaga ako sa due date ko na Sept 26. Kabado na kasi nalalapit na ang due date. Dala ko na rin yung result ng swab test ko, btw, free sa De La Salle UMC yung swabtest basta may recommendation galing sa OB at may Philhealth ka. Di ko rin sure sa ibang lying in ha, pero sa lying in na pinag-anakan ko ganun yung proseso. So ayun na nga, in-IE ako, ganun pa din 2-3 cm pa daw tas ininsert-an ako ng 4 na evening primrose oil. Pagkatapos nun, umuwi na kami. Habang nasa byahe ramdam kong nangangalay na may slight na pananakit yung balakang ko at puson pero binalewala ko lang kasi kagagaling ko lang naman ma-IE usually ganun ang nararamdaman ko after ma-IE. Around 3pm, naramdaman kong parang panay panay na paninigas ng tiyan at yung slight pain sa puson at balakang ay di na nawawala. We decided na bumalik sa lying in. Pagdating namin dun around 7:48pm, lo and behold, 5-6cm na pala ako. By 11pm, pumutok na ang panubigan at 7cm dilated at dito na rin nagstart yung sakit na parang hindi na matatapos pa, sobrang sakit talaga. By 1:20am of Sept 20, nagpupush na ko at nung 1:32am lumabas na si baby. Ewan ko ha, pero para sakin sobrang bilis lang ng lumabas ni baby na hindi ko nga namalayan, sinaway nalang nila ako na wag na magpush kasi lumabas na daw ang ulo hahaha. 2 and a half hours of labor lang at lumabas na si baby. Pero be careful mga mommy, after kasi lumabas ng placenta ko nung 1:35am, hindi tumigil ang pagdurugo ko, bumagsak ang blood pressure ko into 60/40. Mga mi, wala na kong ibang iniisip kundi hilingin sa diyos na sana makasama ko man lang muna ang anak ko. Nagha-hum na ko ng Ama Namin at May bukas pa at nagdadasal sa isip ko na sana malagpasan ko to habang pinakikiramdaman ko ang mga midwife at OB na inaampat ang pagdurugo ko. Di daw po kasi nagcocontract ang uterus o cervix ko which is nakakatulong para maampat ang pagdurugo. Nagrerelax daw kasi ang matres ko kaya tuloy tuloy ang dugo. By 5am, stable na ko. Pero yung takot, hanggang ngayon dala dala ko pa rin. Buti nalang malusog ang baby girl ko. Ayun lang mga mommy, narealize ko lang din na hindi lang pala natatapos sa paglabas ni baby ay okay na. Akala ko kasi ganun, hindi pala. Meet my only girl. Jea Andra Espiritu Sept 20, 2021 3kgs 50cm height Natural Delivery Thank you. Sorry at mahaba.

My birth experience
23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats mi. Ako simula Sept 17 inadmit nako para induced labor kasi la parin signs of labor. Nakailang turok din ako pero nastuck lng ako sa 2cm. Ilang days din ako naglabor kasi umaasa ob ko pati ako na ma normal del kasi mababa na si baby tas Sept 20 nagdecide na ob ko na e ecs ako tas nakiusap narin ako kasi ang sakit sakit na tlga pero la padin usad ung cervix dilation ko 2cm padin. Sept 20 4:44 am nalabas ko baby girl ko via ECS 3.4kg 50cm din height nya 😊

Magbasa pa
3y ago

Mabuti naman po at safe kayo pareho, mi. Meron na tayong mini me 😅😍

congrats po nasobrahan po kayo ng ire kaya nag bleeding po kayo . kapag sa hospital di na masyado pina iire lalo na pag nakalabas na ang ulo kasi ma iistress ang matress mo pwedengmag bleedingmay nakasabay ako ganyan ngyare . sobra yung bleedingnun asin bulwak kaya nataranta mga midwife

3y ago

tumigil na kong umire mi nung nakalabas na ang ulo. Kahit po ang midwife ay nagulat na biglang bumagsak ang BP ko at nagtuloy tuloy ang bleeding kasi ang bilis lang ng irehan tapos naging ganun. Di talaga masasabi ang outcome ng pregnancy.

Congraaats mommy! Ako 2 weeks kong manganak saka ako nag heavy bleeding, nagrelax din matres ko as per OB. Sa awa ng Diyos naitakbo agad ako sa hospital dahil bumababa na yung ibang blood count ko at oxygen ko. Wag paka stress at wag muna gano kumilos para di duguin at mabinat.

hello po congratulations mommy! anw yung sa swab test nyo po kahit saan po ba galing na lying in ay pwede makalibre sa De La Salle? may request from OB po ako at Philhealth. pwede na rin po kasi ako manganak anytime this week. thank you🥰

3y ago

sige po mommy, thank youuuu!❤

Congratulations momshie!! nakakatakot po talaga manganak. ika nga nila, nasa hukay ang isang paa. But God is really great 💖💖💖 God bless you always po and your little baby ❤️

sana all mamsh! 39 weeks and 1 day nako pero no signs of labor. sana sa pagcheck up ko sa sunday madagdagan yung cm ko na 1cm.

3y ago

Ginawa ko mi lahat ng napanood ko sa youtube hahaha pero di ako sure kung alin dun ang nakatulong. Pero sure ako sa squatting na mabilis makapagdilate once in labor ka na. Mabilis bababa si baby tas posibleng wala kang vaginal tear. Wala kasi akong tahi eh. Siguro dahil sa squatting yun.

congrats po mommy,sana makaraos na din ako 39weeks and 3days na ako pero no sign of labour pa din 😥

congratulations po, thanks God nakaraos na po kayo at naging ok. mga magkano po kaya swab test ngayon?

3y ago

sa DLSUMC po ay 5k.

Mga mamssy ano ang magandang pangalan ng baby boy, name ko is Roselyn at si husband Raymund?

very powerful talaga ng prayer 🙏 congrats mamsh! stay safe po kayo ni bibi! cutttee 💙