diaper rashes

Good day ..ask ko lang po kung ano mganda ipahid sa diaper rash ..triny ko na calmoseptine pero nd pdin gumaling ..nagpalit na din ako ng brand ng diaper ..tanks sa sasagot

diaper rashes
145 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Minsan po di lng sa cream ang solution, dapat po pag hinuhugasan si baby dapat talagang sabunin ng baby soap nya at tubig kc minsan pag Di nahuhugasan ng maayos may tendency talaga na mag ka rashes, after nun pa tuyuin lng po Air dry wlang diaper o shorts hayaan lng munang naka buyangyang o yung sinasabi g presko time para maka hinga ang skin, bago po sya lagyan ng nireseta ng doctor na cream. Gawin nyo po itong routine o palaging ginagawa every time na nag pa palit kayo o nag huhugas ng pwet ni baby. At maging observant o kayo kung sa palagay nyo po na cause ang disposable diaper sa rashes nya, pede din po mag mag try ng cloth diaper. 3 n po anak ko isang 18, 16 at 9 mos. Old kaya na master ko na rin po kahit papano ng diaper rash.

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

Effective kay baby ko yung calmoseptine. ..isang pahid lang yun sa kanya then later on gagaling na. Monitor niyo po pooop ni baby. Check niyp every 3/4 hrs or 1 hr after sya ng dede if ng poop na sya para maiwasan na maupoan ng matagal yung poop sa diaper. Tapos pag nglinis hugasan niyo po ng maligamgam na tubig yung pwetan pag ng poop after Mong mapunasan ng baby wipes... Then apply calmoseptine or di kaya yung ibang pwedeng cream sa diaper rash since mukhang hindi hiyang si baby sa calmo.. During day time, huwag suotan ng diaper si baby. Then kahit 30 mins huwag munang suotan ng brief or shorts. Hayaan niyo pong makahinga yung rashes nya. Sa gabi na lang..

Magbasa pa
5y ago

Yung rashes po kaya sa face ni baby ano po pwedeng gamot??

Wag mo ibabad sa ihi si baby.. icheck mo lagi yung diaper niya.. wag mo ng hintayin na mapuno kasi talagang magkakarashes yan..at wag ka muna gumamit ng wipes kung yun gamit mo, palitan mo muna ng bulak at warm water.. may nabibiling cotton pads o yung large size na cotton balls tapos dapat one stroke lang pag pupunasan mo si baby wag ung paulit ulit.. tinuturo yan sa nursery kung sa hospital ka nanganak.. ito gamit ko sudocrem from day 1 until now wala syang rashes.. 😊 madaming magandang review ito sa youtube kahit sa amazon.. try mo maghanap sa lazada or shopee baka meron 😊

Magbasa pa
Post reply image

Pa check up ko na sis bawat bata kasi iba iba talaga ang hiyang pagdating sa ganyan baka di niya hiyang si calmoseptine, 2 baby ko dipa nagka rashes ng ganyan kalala pamumula lang pero gamit ko sudo cream pero per hiyang talaga sis try mo parin mag ask kay pedia. Cotyon and warm water nalang din gamitin mo minsan wala naman talaga sa diaper kung di nasosobrahan sa basa ang diaper or di kaya dina diaper siya na basa pa pwet pwede din kasi sa wipes. Sana maging ok na rashes ni baby.

Magbasa pa

-try to use Bepanthen Nappy Rash(kunting pahid lng) sa kalagayan n baby huwag mo munang lagyan nga diaper disposable mn o washable. hayaan mong naka expose siya para mag dry at mag heal yung mga rashes niya . make sure na malinis ang paligid niya para d ma infected yung rashes. then kng mag heal na -use EQ dry diaper -always check the color of the lines on the diaper , if the color green lines turned into blue then you have to change his nappy kahit dpa puno.

Magbasa pa

Nako kawawa naman ang baby mo.. baka di mo napapalitan agad yan.. hindi punong puno diaper bago palitan.. super hapdi nyan.. try mo gumamit ng warm cloth pamunas sa kanya instead of wipes.. baka di sya hiyang sa gmit mo n wipes.. maganda nmn ang calmoseptine basta dapat dry ang area na pahpphiram. Huggies bilhin mo medyo mahal nga lng pero magandang klase naman.. lactacyd baby din gamitin mo pag pinaliliguan mo baby mo.. pang rashes din un

Magbasa pa
VIP Member

Always dry muna yung private parts ni baby before putting some diapers on. If ever, you can use lampin muna hanggang sa mawala rashes. Ako ginamit ko lang yung petroleum jelly for babies sa singit lang ilalagay. Di ako naglalagay ng powder sa pwet or singit. And talagang dinadry ko siya maigi bago maglagay ng diapers. Avoid din na masyadong magstay ng matagal sa kanila yung wet diapers nila. 2-3 hours palit agad ng diapers.

Magbasa pa

Wawa naman baby mo...nung nag rashes baby q pero kunti lang always q lang hinuhugasan ng maligamgam den pag may ihi na ang diaper khit 2 o 3 beses plang pinapalitan q na...tas pinupolbuhan...wla aqng ginamit na kahit anung ointment..maligamgam lang sis na tubig lage mo xia pupunasan...ayun 1 day lang wla na rashes ng baby q kc nakita q agad na kunti palang kaya naagapan..

Magbasa pa
VIP Member

Try mo mommy na wag muna pagamitan si baby ng diapers hanggang sa mawala rashes nya mag traditional na lampin muna taposa laging iwaSh ng tubig na maligamgam, punasan lng ng tela na di magaspang wag kn din gumamit ng baby wipes mommy 😊try mo din huggies na brand ng diaper.

Ganyan si lo ko before, pero di naman ganyan karami.. hindi dahil sa diaper , dahil po sa sabon na ginamit ko sa kanya pampaligo. Even calmoseptine can't diminish the rashes, nung ibinalik ko sa cetaphil sabon ni baby nawala, until now di na talaga sya ngka rashes..