100 Replies
Magaganda both momsh. Pero bibigyan niyo yata ng napaka laking kalyo sa kamay anak nio ah? 😂 Ako din 3names binigay ng parents ko sakin, bwisit na bwisit ako sakanila noon kasi ang haba isulat ng pangalan ko, ang laki talaga ng kalyo sa kamay ko noon. Tapos ipinalayaw lang sakin 3letters nickname lang. 😆 hirap din ako siniksik sa board exam paper ung name ko. 😂
Pag-uusapan pa po namin mag-asawa kung ano name. Haha! Palagay ko din po di payag si Tatay pag ganyan kahaba. Gusto nya nga po is Uno lang name. 😂 Then si Dos at tres mga susunod hanggang makabuo kami ng labingdalawa. Hahahaa 😂😂😂
Dylan - Son of the Sea. Yan sana first name ng bebeboy ko e. Three mos to six mos ako, yan lang naiisip ko. Hanggang nag seven mos ako, at sure na ko sa gender, sinunod ko sa first and second name nya ❤
Reserve niyo muna yung ibang name sa next baby niyo. Kasi ako nung nagisip ako ng name ng anak ko, gusto ko 2names pero 5-6 letters lang kasi yung bata mahihirapan pag nagstart na siya mag school.
Maganda po mommy pero masyadong mahaba. Pamangkin ko po Timothy Jacob ang name naiinis sya bat daw may timothy pa hirap daw sya magsulat ng name nya 😂 kinder po siya ngayon. Hehe
Grabe ang haba ng mga pangalan hahahahaha. 😅 Magaganda naman po kaso kawawa naman, baka di agad makatapos magsagot si baby o kaya po pag may mga NCAE etc. Di kasya names nya
Magaganda po momsh kaya lang baka pag nag aaral na si LO mo uwi sya from school na umiiyak kasi di nya natapos yung seat work nila na pagsulat ng name sa papel. True po ito.
Magaganda naman kaso ang hahaba sis. 😂 Yung mga students ko na mahahaba names isa lang nilalagay sa papel. Tinatamad sila. Di pa kasya name sa class record 😂
ang haba mommy hahaha tanggalin mo nalang po yung maria. or pwede din naman gawin Ma. Ysabella Astrid basta may tuldok. pero parang mas okay kung Astrid Ysabelle
Sobrang haba naman po nyan momsh..Astrid Ysabelle and Dylan Josiah are ok..for me lang po ha..pero kau po bahala kung ano gusto nyo..baby nyo po yan eh hehe..