"kahit gaano ka talaga kabait sa byenan mo, may masasabi at masaabi yan"
Ginagawa ko lahat ng pakikisama pero minsan talaga nakakapuno na din. Lalo na pag sobrang pakielamera, ung tipong nakikipag kumpitensya. Pag ang sinuot kong damit sa baby ko is provided ko, sasabihin ng byenan ko "ay hindi ka maganda dyan", pag nman sya ang bumili ng damit, "ayan ganda ah, di tulad nung suot mo nung nakaraan, maitim ka" Hahahahahah!! Grabe. Nasasabi ko tuloy sa sarili ko, de ikaw nalang lagi bumiling damit, mainam wala akong gastos. Leche na yan. Hahahaha! Tapos, kagabi pinapatawa ko si baby tumatawa naman, kinwento ng asawa ko sa byenan ko, tapos sabi, hindi daw tulad ng pagpapatawa nya nung isang gabi. Hahaha. Parang nakikipag kumpitensya. Sensya na wala ako mapag rant-tan eh. Hahaa! Napakaliit na bagay lang pero medyo nakakainis din kasi. Tapos since birth ako naglalaba ng damit ni baby, nung first 2 weeks sya naglalaba kasi cs ako dko pa kaya, then nung kaya ko na pinilit ko na maglaba, kasi nga ayoko may masabi sya. Tapos last week nakakuha kami ng maglalaba kasi gusto ng asawa ko, tapos sabi nya, sa wakas pumuti/luminaw din daw damit ni baby, kasi maayos na naglalaba. Kailangan pa bang iparinig sakin yun? Hahaha. Kakaoffend mamsh! Kahit nga pagod ako kakaalaga, puyat, pinipilit ko talagang maglaba. 🤣🤣 Marunong nman ako maglaba haha kapag talaga mema, eh mema. 🤣🤣🤣 Fact: Kahit gano ka talaga kabait sa inlaws mo, may masasabi at masasabi yan!!!! 🤣🤣🤣🤣