Magbigay ng isang tip kung paano magiging wais ang anak sa pera!
Get a chance to win FREEBIES from Saffi Squirrel! 1. Magcomment ng isang tip para maturuang maging wais ang anak. 2. Pumunta sa https://tap.red/q59ts para sa full mechanics. Contest ends on Sept. 12


I have twin preschooler girls and a 1.5 yr old boy. Maaga namin silang inexpose sa pagsisave ng money. Mayroon silang kanya-kanyang alkansya. Tuwing mayroong barya ay alam na nila na ilalagay ito sa mga alkansya nila. Para na itong naging laro sa kanila kaya naging masinop sila sa pera at minsan pa nga'y nag-uunahan pang maglagay sa alkansya nila. Isinama rin namin sila noong nagbukas kami ng bank account nila at alam nila na once na napuno na ang kanilang alkanysa ay dadalhin naman namin ito sa bangko. Hinahayaan din namin silang magdesisyon kung saan nila gagastusin ang iniipon nilang pera. Ang nakakatuwa naman ay gusto lang muna nila itong ipunin at maari raw na gagalaw sila ng konti kapag pumunta na sa Disneyland. Plano pa lang naman namin ang pagpunta sa Disneyland at alam nila na pag-iipunan pa ito. Kaya ang maipapayo ko, maaga natin iexpose ang mga bata sa pagiging masinop sa pera, mas mainam nga kung gagawin itong parang laro at nakakaaliw para sa kanila. #WaisTips4Kids π₯°
Magbasa pa