102 Replies

VIP Member

#WaisTip4Kids As early as 1 year old tinuruan ko na ang anak kung mag ipon at isshare ko din po sa inyo kung anong mga tips ang ginawa. As a 1 year old pag makakakita ng barya yan for sure isusubo yan. At napakadelikado sa ating mga anak yung maisubo ang barya halimbawa nalang pag accidentally tayong makaiwan ng barya at makita o maabot ni baby. Eto ang nagtulak sakin na as early as 1 dapat alam na ng bata kung para saan ang barya. 1. Binilhan ko siya ng maliit muna na piggy bank. 2. Pinaliwanag ko sa kanya na ang barya ay para kay piggy nya. Everytime na makakakita siya ng barya, I always tell him na he need to feed his piggy. We all know that as 1 year old di pa man nya naintindihan ang salitang pag iipon atleast alam nya kung para saan ilalagay ang barya. 3. Pagdating nya ng mga 3 years old I start explaining na yung pera na nasa piggy bank is to buy all he needs. So, dito na papasok ang padahan dahang paliwanag ng wants and needs nya. At his young age alam nya na ang kahalagahan ng pera at kung para saan eto. Ngayon nkapuno na siya ng dalawang piggy nya at nag sstart na uli siya sa pangatlong piggy nya. 3 years old palang anak ko pero pag tinatanong ko siya if para saan ang naipon nya sa piggy sabi nya to lagi to buy all I need and also to mama and papa help. Nakakaproud at nakakataba ng puso na as early as 3 ganito na pag iisip nya sa pag iipon ng pera. So every time makakita siya ng barya or bibigyan siya ng mga ninang or ninong nya pag paper bill sinasabi nya mama let's change it to a coin for my piggy's food. I need to feed more to my piggy they are hungry. 😁 I need to full tummy piggy to buy my needs and help mama and papa. Nakakatuwa at nakakataba ng puso talaga mga mommies 🥰 Kaya ang pinaka tips ko talaga is start teaching your child saving money as early as his young age. Para alam din nila kung ano ang halaga ng pera.

VIP Member

Bilang wais na nanay tinuturuan ko na agad ang aking mga anak kung paano maging wais kids habang bata pa lamang, sakanilang murang edad pinaiintindi ko skanila ang kalahagan ng pera at kung gaano kahirap kitain ito kaya palagi kong sinasabi sknila na bago sila magpabili ng isang bagay isipin nila kung mahalaga ba ito. Sinasama ko sila sa grocery store hindi para bilhin lahat ng gusto nila bagkus para ipaintindi na di lahat ng makikita namin dun ay mabibili namin pipiliin lang namin kung ano yung mas kelangan o hindi naman dapat bilhin habang bata pa sila dapat inuumpisahan na ipaintindi sakanila yung needs & wants. Masarap man ibigay sa mga anak ang lahat pero dapat iayon natin sa kakayanan ng ating budget para hindi magsuffer yung needs nila ☺️ At thankful ako na ang aking mga anak na 5yrs old at 4yrs old never nagwala sa mall dahil lang may isang bagay ako na di binili skanila, malawak ang kanilang pag intindi at sa murang edad may pitaka sila para everytime na may magbibigay skanila ng pera tinatabi nila kung may gusto sila bilhin nakakatuwa isipin na tatanungin nila ko kung sapat o kulang o kung may matitira pa ba sa pera na tinatabi nila pag binili nila yung bagay na yun, iniisip nila palagi na dapat may matitira ☺️ #WaisTip4kids

The best way to teach our kids to become WAIS is to be a good ROLE MODEL to them. Kelangan sa atin pa lang ay nakikita na ng mga bata na wais tayo sa pera upang ito ang gayahin nila mula sa atin kasi ang mga bata ay mas malaki ang impact na matuto mula sa behavior natin rather than what we just say to them pero di naman nila nakikita na ginagawa natin. Kapag nasa 1 yr. old na ang bata, pwede natin silang turuan na magsave sa alkansya at ireward natin sila like clap your hands whenever naglalagay sya ng coins dun para mareinforce sila na gawin ulit yun, like what I did on my eldest. And pag naman nakakaintindi na, wag natin ibigay lahat ng gusto nila kasi makakasanayan nila na lahat ipoprovide sa kanila kahit di naman mahalaga at syempre dapat yun din ang pakita natin, na ang mga binibili natin ay hindi luho lang kundi mga needs talaga natin. Everytime na wala kaming pambili at may gusto ang anak ko, sinasabi ko talaga sa kanya na 'not all the things that you want ay need mong makuha, dapat po yung important things lang'. And I am so happy na 5 yr old na sya pero di sya maluho at mahilig sa pera 😇💖 #WaisTip4Kids

VIP Member

I have twin preschooler girls and a 1.5 yr old boy. Maaga namin silang inexpose sa pagsisave ng money. Mayroon silang kanya-kanyang alkansya. Tuwing mayroong barya ay alam na nila na ilalagay ito sa mga alkansya nila. Para na itong naging laro sa kanila kaya naging masinop sila sa pera at minsan pa nga'y nag-uunahan pang maglagay sa alkansya nila. Isinama rin namin sila noong nagbukas kami ng bank account nila at alam nila na once na napuno na ang kanilang alkanysa ay dadalhin naman namin ito sa bangko. Hinahayaan din namin silang magdesisyon kung saan nila gagastusin ang iniipon nilang pera. Ang nakakatuwa naman ay gusto lang muna nila itong ipunin at maari raw na gagalaw sila ng konti kapag pumunta na sa Disneyland. Plano pa lang naman namin ang pagpunta sa Disneyland at alam nila na pag-iipunan pa ito. Kaya ang maipapayo ko, maaga natin iexpose ang mga bata sa pagiging masinop sa pera, mas mainam nga kung gagawin itong parang laro at nakakaaliw para sa kanila. #WaisTips4Kids 🥰

#WaisTip4Kids As for my 3 year old kid, since medyo nakakaintindi na sya ngayon. Yung mga napaglumaan na nyang mga dress na dati pinipilit pa nyang isuot kahit masikip na, mga toys na sa kadami-dami na Hindi na nya na alam Kung anong lalaruin nya at mga napaglumaan na nyang mga shoes, ay nadeclutter na or nabenta na. Hindi namin sya pinilit pero binigyan namin sya ng idea para i-letgo yung mga gamit nya na Hindi na nya nagagamit pero pwede pang magamit ng iba. At sa tingin ko, naiintindihan na nya na ung purpose Ng pagbebenta Ng lumang gamit nya dahil nakikita din naman nya na sa tuwing nakakapagbenta Kami ay may panibagong damit, laruan at iba pang gamit kapalit Ng napaglumaan na nya. At masaya din Naman sya dahil napipili nya kung ano yung gusto nya. Then, meron din syang piggy bank Kung saan natutuwa sya kung nahuhulugan nya ito. Ang sasabihan pa Neto ay "mabubusog na si piggy" kapag nakakakita ng coins Mesa or mga coins na nahulog sa sahig.

TapFluencer

Naniniwala ako bilang isang future ina sa aming eldest baby, na malaki ang influence ng magulang sa Kung anong magiging ang anak. Sa loob ng pamilya pa Lang, kailangan na maging clear ang intention ng nanay at tatay sa pagbubuild ng family at pagkakaroon ng nga priorities sa mga bilihin Pati ng mga bilihin Para sa mga anak. Kung nakikita ng Bata na magastos ang magulang nya, posibleng magtatanim iyon sa isip niya na okay Lang maging magastos. So, sa pagiging wais, kailangan na guided ang nga anak sa mga needed sa bahay, mga needed personal, at maging aware sila Kung magkano Lang ang budget for the month. Turuan din sila mag save sa alkansya or mag open ng account sa MP2 pag-ibig for them at explain sa kanila ang future effect nito for them. Ipagpray din lage ang family na maging maayos ang direction nito at laging may fear sa Panginoon, ang source ng Wisdom. #WaisTip4Kids

VIP Member

As a mom of 4 kids, isa sa pinakamahirap gawin ay ang mag budget ng pera. kaya naman lahat ng tipid tips and hacks ay inaaral ko talaga.. Kaya bilang magulang dapat ituro ko rin ito sa aking mga anak habang bata pa sila. Ang Wais Tip ko saking mga anak ay unahin lagi ang "needs" bago ang "wants". kaya bata pa lang sila natuto na sila magipon, kapag may sumusobra sa baon nilang pera, kapag my nagbibigay sa kanila, kapag my kinikita sila sa binibenta nila toys itinatabi na agad nila sa piggy bank. naalala ko pa nung 1st time namin buksan ung mga naipon nila hndi ako makapaniwala na ganun sila kapursigido na punuin yun.. ang pagiging wais na Nanay na naituturo ko sa aking mga anak ay alam kong balang araw mas mapapakinabangan pa nila. Dapat talaga sa bahay natin mismo nagsisimula ang mga tamang gawain para ito ay tularan din nila.. #WaisTip4Kids

VIP Member

with my 5 year old, ni reremind ko siya palagi sa mga priorities, lalo na pah mayipapabile na toy, kasi a constant reminder will help her realize what's important, at a young a ge i explained to her the value of money at kung ano2x ang mga priorities, such as food, clothings , bills, tuition fee and savings, kinakausap ko sya in such a way na maintindihan nya, i do not hide the truth but not to the point na it will be a burden to her . as a parent, it's okay to let your child know your financial status, let her understand kung ano and kaya natin, kung ano ang uunahin explain gently, but not to the point na ma fefeel nya na need nya kumita, no, just to the point lang na maiintindihan ng bata na ang pera pinaghihirapan din, at may mga bagay na dapat unahin tsaka nalang pag may extra ay makukuha nya ang gusto nya. #waisTips4Kids

VIP Member

Ipapakita ko sa anak ko na mas masarap kaming kabonding kisa sa laruan nya, minsan kasi pabili ng pabili ang mga bata kasi kulang lang ang atensyon ng parents. Sasanayin ko din siyang kumaen ng masusustansiyang pagkain at lutong bahay kisa sa masanay siyang gumastos ng pagbili sa fast food o kaya kumain ng junk foods. Sa bahay naman, dapat laging nakasara ang ilaw at gripo pag hindi ginagamit. Dapat may limit ang oras sa phone, para hindi lumabo agad ang mata at gumastos sa mga mamahaling eyeglasses. Ipapakita ko sa kanya ang pagpapahalaga kahit sa maliit lang na barya sa pamamagitan ng hindi pag-aaksaya ng pagkain man o gamit. Hindi kilangang uramismong pera na agad ang ituturo sa bata. Kilangan yung core mismo. Para mas mapaunawa na agad sa bata yung mas kailangan kisa sa panandalian kagustuhan. #WaisTip4Kids

As a first time mom, ang naisip kong paraan to help my kid how to save money in the future is maturuan siyang mag-ipon gamit ang alkansya, ituro ang importansya ng pera sa pagbili at pagtimbang ng kung anong mas mahalaga (needs or wants), hindi itinuturo sa school ang financial stability at maaaring hindi rin nmn ito matututunan agad ng bata sa murang edad ngunit magsisimula ito sakin. Marapat din na malaman nya kung pano mapakikinabangan ang mga bagay sa paligid upang magamit sa tamang paraan at makatipid, creativeness and family bonding ang kailangan upang maiwasang magkaroon ng di inaasahang gastusin sa luho na nais nito. Tamang disiplina rin syempre sa panong paraan nya makukuha ang wants nya habang iniisip ang halaga ng pera. #WaisTip4Kids

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles