What To Do???

Ganito po kasi yun, may educational tour ung anak ko and napag desisyunan namin na wag na lang siya pasamahin since hindi na nga po ako pwede bumiyahe ng malayo kasi malapit na ko manganak. Nasabi ko na rin sa teacher niya na special project na lang siya. Okay kay teacher, okay din sa anak ko. Nagkataon po, na-bed rest ako this week kaya pinakiusap ko po sa daddy ko na baka pwede sila na muna sumama sa anak ko sa school. Okay naman sa kanila. Nagyon po, nalaman ko na pasasamahin nila ung anak ko sa tour. As in ngayon ko lang po nalaman eh bukas na po ung tour nung bata. Thankful naman po ako sa parents ko since pasasamahin nila at sila nag shoulder nung bayad sa tour, medyo nag-aalala lang po ako sa sasabihin ng mom ko kasi hindi sila in good terms ng husband ko. Mapanumbat po kasi mom ko kaya nagwoworry ako. Isa pa, baka bigla po maningil mom ko sa binayad nila sa tour, wala po akong ibabayad dahil nagbabayad pa kami ng utang ng asawa ko at nag iipon para sa panganganak ko. Sa ngayon po, hindi pa alam ng asawa ko na sasama sa tour ung anak namin. Nai-stress po talaga ako. Haaaay.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung ako po momsh linawin mo na agad sa mama mo ung situation. Sabihin mo di kayo makakabayad kasi may pinaghahandaan kayong baby. If okay lang kay mama mo un then tsaka mo kausapin hubby mo