Pashare lang po

"Galit na galit yung ilong" "Ang laki ng noo" "Ang laki ng mukha" "Buti nalang maputi hindi lugi" Yan madalas naririnig ko sa MIL ko nakakalungkot lang isipin na kahit baby eh kailangan pang laitin dahil lang ako ang kamukha at hindi ang anak nila. Kahit mismong LIP ko sabihin sakin "ang panget eh kamukha mo" 😔 Nakakalungkot lang na ganun pa maririnig ko sa kanila lalo na sa LIP ko na kahit isang damit o kahit bill lang ni baby sa hospital eh wala sya naiambag kahit isang pacg ng diaper ni baby walang ambag tapos ganun pa marinig ko 😔💔 #1stimemom #firstbaby #advicepls #breastfeedbabies

Pashare lang po
468 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hiwalayan mo na lang. kung bata pa lang, ganyan na ang environment, makakaapekto iyan sa paglaki. Baka lumaking sobrang mahiyain at walang confidence si baby. kung pabiro man sila, hindi pa rin magandang impluwensiya sa bata. ikaw na rin ang magsabi na ni katiting, walang naiambag ang partner mo. paano pa kung nag-aaral na si baby? baka lalo ka pang mastress dahil hindi ka pa rin niya tutulungan. kausapin mo. alukin mo ng hiwalayan. hindi deserved ni baby na magkaroon ng amang hindi siya naapreciate. hindi deserved ng kahit sinong baby ang hindi mahalin ng sariling magulang. kapapanganak mo lang, prone ka sa depression. dapat sila ang mag-adjust. hindi laging tayo ang magbibigay ng pasensiya. sila ang dapat na mas umunawa. sana maging okay na kayo. hindi ninyo deserved na tratuhin ng ganyan ng mga taong mahal ninyo. TANDAAN, KAPAG ANG PARTNER AY WALANG KWENTA, WALANG RASON PARA MAG-STAY KA. HINDI LANG SA PERA KUNDI SA LAHAT NG ASPETO NG PAGIGING AMA AT ASAWA. KUNG KAYA MONG BUHAYIN ANG ANAK MO NANG MAG-ISA, HINDI MO KAILANGAN MANATILI SA KANYA PARA LANG MAGKAROON ANG BABY MO NG AMA.

Magbasa pa