468 Replies

hiwalayan mo na lang. kung bata pa lang, ganyan na ang environment, makakaapekto iyan sa paglaki. Baka lumaking sobrang mahiyain at walang confidence si baby. kung pabiro man sila, hindi pa rin magandang impluwensiya sa bata. ikaw na rin ang magsabi na ni katiting, walang naiambag ang partner mo. paano pa kung nag-aaral na si baby? baka lalo ka pang mastress dahil hindi ka pa rin niya tutulungan. kausapin mo. alukin mo ng hiwalayan. hindi deserved ni baby na magkaroon ng amang hindi siya naapreciate. hindi deserved ng kahit sinong baby ang hindi mahalin ng sariling magulang. kapapanganak mo lang, prone ka sa depression. dapat sila ang mag-adjust. hindi laging tayo ang magbibigay ng pasensiya. sila ang dapat na mas umunawa. sana maging okay na kayo. hindi ninyo deserved na tratuhin ng ganyan ng mga taong mahal ninyo. TANDAAN, KAPAG ANG PARTNER AY WALANG KWENTA, WALANG RASON PARA MAG-STAY KA. HINDI LANG SA PERA KUNDI SA LAHAT NG ASPETO NG PAGIGING AMA AT ASAWA. KUNG KAYA MONG BUHAYIN ANG ANAK MO NANG MAG-ISA, HINDI MO KAILANGAN MANATILI SA KANYA PARA LANG MAGKAROON ANG BABY MO NG AMA.

ang cute cute ni baby momsh. wag ka makinig sa kanila. ako din ilong ko nakuha ni baby, hndi ung ilong ng daddy. kaya minsan un ung kumbaga napagtritripan pero we know we're joking around lng and hndi seryoso ung pagpansin nila sa nose ni baby. so hndi siya big deal sa akin kasi i can see naman na they love my baby. in your case momsh, masyado silang mapanglait. ang cute cute ng baby mo tapos sasabihin na pangit. silang mga nagsasabi ng ganun ang pangit. cguro nga maganda panlabas nilang itsura pero pangit pa rin sila kasi pangit ugaki nila. pati baby kinukutya. saka yang lip mo momsh, pag isipan mo na.parang walang kwenta. wala na ngang naimbag kaht singkong duling, ang lakas pa ng loob magsalita ng ganyan. Kung di nila maappreciate baby mo momsh, mdame mommies dito na naaappreciate si baby mo. Cute si baby and he's blessed to have a mom like you. ❤

Alam mo sis? Ang cute ng baby mo kung nakuha nya halos lahat sayo. Same din sakin. Yung tipong biro lang sa kanila pero deep inside our heart and mind. Sobra² tayong nasasaktan. Napapa isip ka tuloy na bakit ganito, ganyan? Kalait lait naba hitsura mo? At kung nakuha man ni baby sayo lahat pati ba sya lalaitin narin? Wala silang karapatan sabihin yun or wala na tayong magagawa sa mga tulad nila. Ang best na gawin natin is deadma yung mga sinasabi nila basta tayong mga mommies alam natin kung ano ang tama sa mali. At ang pinaka best sa lahat is lumaki na mabuting tao soon ang mga anak natin. Basta tayo, marunong tayo mag appreciate ng kung ano man ang magiging hitsura ng mga anak natin. Mahalin sila at alagaan ng mabuti.

naiinis talaga ako kapag nakakabasa ako ng mga post na about sa intrimididang byenan 🙄 wala naman palang ambag yung anak nya pati sya lakas pa ng loob manlait dika na nga tinutulungan sa pag aalaga ganyan pa ssabihin kakapal ng mukha ng ganyang byenan .. tapos yung asawa mo na ineexpect mong magtatanggol sa inyong mag ina isa din sa nagdodown ng feelings mo mga insensitive sila diba nila alam na pwede kang madepress nyan? kung ako sayo sis alis kana muna dyan .. total wala naman silang ambag sa panganganak mo ih , dika pa sinusuportahan ng asawa mo wag mo ng antayin na kamulatan ng anak mo yung ganyang pamilya toxic ang nakapaligid sayo

MILs...pag hindi ka like (for no cause) sasabihin nila lagi yung opposite or anything that could upset you. Try mo sanayin sarili mo na ganyan lagi may masasabi at masasabi so ikaw wag ka na lang paapekto , hayaan mo na lang. Dahil kesa palungkutin mo lalo sarili mo sa mga walang kwentang tao mag focus ka na lang sa napakacute mong baby (bigay ni god yan, lahat ng baby cute)...at postpartum phase after manganak, minsan dala ng baby blues kaya emotional tayo, lalo sa first time mom (like me) na hindi pa naiintindihan yung mga bagay na nafifeel kasi nga first time..BUT EVERYTHING could be learned..FIGHT KA LANG!!!! GOD BLESS YOU MOMMY.

Baby ko nilalait din na pango, maitim naiiyak na lang ako pag naiisip ko mga sinasabe nila. Kamuka ko din po ang lo ko, walang nakuha sa asawa ko. Pero mahal na mahal ng asawa ko ung baby namen ayaw din nyang sinasabe kong hindi nya kamuka si baby. Kaya nakakatuwa na kahit di matangos ang ilong ng anak ko tulad sa daddy nya eh love na love naman sya. Walang baby na panget mommy, anghel ang mga baby kaya di sila panget yan ang iniisip ko na ngayon. Lage ko pinag mamasdan ang lo ko sinasabe ko sakanya na pogi sya ayoko kase na pati saken maramdaman nya na panget ang tingin ko sakanya.

My Julio Noah he is 1 year and 3 mos. and 22 days old sya lang nakamukha ng daddy nya sa kanilang tatlo sabi nila ung dalawa daw kamukha ko 😁 sabi ko lagi hindi magiging ganyan kaganda ang itsura ng ank mo kung hindi ako napangasawa mo,🤣 malakas ang dugi ng Bisaya! 🤣 kaya wala silang palag 🤣 yung pang-apat ko ewan kk kung sino samin ang kamukha ..kasi lagi nila sinasabi kapag maganda itsura ng baby sa kanila nagmana..kapag me sablay sakin daw ..eh lagi kong sagot sa kanila parang ang perpekto ng lahi nyo ah 🙄 kaya d sila makapag-lait sa mga anak ko 😅

tama ka sis.. 😘bisaya mama ko😂 so may dugo akong bisaya, ung dalawa kong anak na babae ako kamukha😂 nag dadasal ung asawa ko ngayon na sana etong baby boy namin ay siya naman😂

Hindi bali na ikaw ang kamukha wag lang yung sa side ng mister mo na mapanglait🙄 grabe sama ng ugali apo/anak naman nila yan kung laiitin parang ibang tao hayyyys!😪 God bless sa kanila🙏 hwag mo hayaan na ma stressed ka lalo first time mom ka, marami kapa pag dadaanan sis lalo sa baby mo mahirap pag iniisip mo masyado yung mga negative vibes nakakaapekto sa baby yun sis😔 basta dedmahin mo nalang sila hanggat kaya.. Tiis tiis lang, kung kaya naman pag sabihin go lang sis kung ayaw mo mastressed mas mainam dun ka sa side mo mag stay 😊😊🤗

E ung baby ko nga tinatawag na undin ng ate at mama ko. Ung undin sa pelikula na shake rattle and roll. Pano ang laki ng ulo nya tapos lapad ng noo buti nlang maputi sya tska matangos ilong. Nung una mejo naiinis ako pero ngaun dedma nlang ako kasi alam ko naman na magiiba pa mukha ng baby ko. Ang nakakainis is ung pinapakelaman ka sa the way mo alagaan baby mo tska pinapakelaman ung mga binibili mo para sa baby mo. Hahahaha bwiset. Di nmn nila pera ung pinangbibili mo. Kung makacomment akala mo me ambag. Ganern! 😅😉

VIP Member

hiwalauan mo nalang yang lip mo kc wala siyang naiaambag sa buhay mo lalo obligation niaa na mag support sainyo ni baby, mabubuhay ka khut wala siya at lalong hindi ka lalaitin ewas din po sa postpartum depression , advise ko lang po kc kung mahal ka niya hindj niya hahamakin itsura mo lalo na anak niyo kung matino siyang ama tangap niya kayo pariho hindj ung hahamakin kapa niya kung bakit ganyan itsura, ang gwapo kaya ng baby ,ung lip at mil mo ang pangit🤔😅✌️ super gwapo ni baby wag mo sila pakinggan

Trending na Tanong

Related Articles