Ano'ng ginagawa ng asawa mo kapag nagagalit siya sa'yo?

Select multiple options
Sinisigawan ako
Di ako pinapansin
Sinasaktan ako physically
Lumalayo siya sa'kin
Sinusumbong niya ako sa parents ko
Kinakausap ako nang seryoso pero kalmado
Sumisigaw siya sa kawalan
Sinusuntok niya ang pader at kung anong bagay
Others (leave a comment)

1036 responses

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi yata marunong magalit yung partner ko. Wala ako natatandaan na nagalit siya sakin kahit isang beses. Yung as in galit talaga. Madalas kasi medyo naiinis lang yon sakin tapos kakauspin ako na hindi tama yung ginawa ko o kung ano man. Mas matalak talaga ako 😂 every away namin ganon lang. Kahit siya yung mas dapat magalit mas galit ako. Dadada ako ng dada tas siya tahimik lang. Kaya sobrang love na love ko yon kasi never akong sinaktan physically, never ako sinigawan.

Magbasa pa