Pusod (10 days)
Galing na po kami ng pedia 2 days ago, sabe po normal lang naman daw tong ganto kasi nag aalala ako dun sa kulay nana tapos may amoy pa. Tapos niresetahan kami ng ointment and nakita ko natuyo naman lagi ko din nililinisan. Malapit na po ba matanggal pag ganito?
buhusan nyo po ng alcohol para iwas infection at lumambot ang nana second linisin nyo po lahat ng nakikita nyong malambot na nana sa paligid ng pusod. then buhos po ulit kayo ng alcohol para mas mabilis matuyo ang sugat and put the ointment. ganyan din ako 1st momshie here nag punta kami ng pedia kase yan din concern ko at same tayo niresatahan lang din akong ointment. ang sabi pag ingatan lang daw na wag magdugo ang pusod mag cxause kase ng infdection ng dahil sa nana na nasa pusod kaya kaya clean it 2x a day. baway pong mag lagay ng bigkis at matakpan ng diaper. need pasingawin ang pusod ni baby para iwas infection din sa pawis.
Magbasa paInadmit yung baby ko dahil sa foul smelling. Kakatanggal lang kase nun mismo sa pedia clinic tapos inamoy ng dr medyo mabaho and may basa parang nana. 7 days syang nag antibiotic. Delikado daw kase sabi ng dr. And may nireseta sya na ipapahid namin sa pusod ng babyko pagkaraan ng ilang araw okay na pero need talaga nya taposin yung 7 days na antibiotic. Sa ngayon nakalabas na kami ng hospital and okay na din pusod ni baby
Magbasa paPag may amoy po,pa check nyo na sa pedia nya.. Linisin nyo ng maigi pusod ni baby,alcohol 70% at cotton buds,yung cotton buds lagyan nyo po ng alcohol at linisin nyo po paloob ng dahan dahan pusod ni baby,hanggat matanggal yung dumi. Iwasan po n d mabasa at masagi ng diaper nya.at wag nyo po buhusan ng alcohol at lalong wag bigkisan. 3x a day po dapat, kung pwede kada palit ng diaper ni baby,linisin nyo pusod nya.
Magbasa paLagi mo lang lagyan ng alcohol 3x a day. Sa baby ko din parang nagkaron ng nana pero natuyo din kinabukasan kasi kada palit ko sa kanya ng diaper pinapatakan ko. Tsaka tupi mo yung diaper nya sis para sumingaw. 6 days lang yung pusod ng baby ko natanggal na agad
Wag nyo po basain ang pusod pag maliligo si baby at wag babasain ng alcohol para mabilis matuyo. Linisin lang po ang paligid lagi ng cotton with alcohol. Pag matutuyo na po sya magiging payat at tuyot ang itsura nyan at kusang matatanggal ang clip
Linisin mo lng ng ethyl alcohol 70% solution 3× a day matutuyo din yan.wag mo rn babasain kpag naliligo sya after 2 weeks mttanggal n yan maximum daw ng 1 month sabi ng pedia.pero d n aabot ng 1 month bsta tuyo lang
opo malapit na po yan matanggal kasi medyo tuyo na kahit paano basta po patakan niyo po ng alcohol yung walang moisturizer po kada palit ng diaper po at pagtapos maligo po
15 days po natangal pusod baby ko. Ethyl alcohol po ang advise sa akin sa hospital. Basain po alcohol lang every change ng diaper. Kung may amoy po pacheck sa Pedia.
Bulak na may alcohol lang po pang linis. 3x a day. Wag nyo rin pong bibigkisan si baby at iayos ang pag lagay sa diaper dapat tama lang di ganun kasikip
baka sa diaper mam ifold mo nalang muna para di magalaw galaw ganyan din kasi bby ko noon dumugo pa pero linos lng ng alcohol mamsh gagaling din yan. 😊
Mother of 1 bouncy junior