7 Replies
if first time mo manganak imaintain mo na yan sakto na yang ganyang laki/timbang ni baby para mailabas mo ng normal delivery.. kasi habang papalapit due date mo mas mabilis lumaki ang baby.. baka mahirapan sya gumalaw palabas kasi maliit ang space nya sa loob tapos sobrang laki pa nya.. wag ka magworry sakto lang yan para di ka mahirapan umire at mainormal delivery mo sya. mag gulay prutas milk ka na lang po wag na masyado magkakain ng kanin magdiet ka na po. mas madali pong magpalaki ng baby kapag nailabas mo na. kung sumobra sya at mag 3 kilos baka di nyo po kayanin at macesarean kayo. ako sa first baby ko 3 kilos sya nung ilabas ko muntik na ko macesarean kasi natuyuan na ko ng panubigan nag dry labor ako hirap na hirap sya makalabas kasi hindi na madulas dadaanan nya 13 hours ako naglabor muntik na maCS kasi nga ang laki ng baby ko tapos ang tangkad pa nya. ako lang yung nagpilit sa ob ko na kaya kong inormal. nilakasan ko lang loob ko kahit risky na kasi stressed na si baby. kaya base on experience ko wag palakihin ng todo sa tyan si baby mahihirapan din kasi sya.
Medyo malaki laki na sya mommy kung nasa 35 weeks ka pa lang pero within normal range pa rin. May possible na lumaki pa si baby habang papalapit na ang big day nyo kaya need to control yung carbs and sweets intake mo momsh. Ano po sabi ni OB mo mommy?
Malaki na po. Sabe ng OB ang ideal na weight ni baby pagnilabas 2.5kg. If 35 weeks pa lang kayo lalaki pa sya. Kaya kontrolin nyo na po ang rice at sweets nyo.
Thankyou po, yes kinocontrol ko na po kaen ko . lalo na sa rice as in half cup na Lang po talaga .
ako po at 37 weeks 2.5 kg si baby. normal lang nman daw po sabi ng ob ko.
ako 3.1 kg ko nailabas si baby, normal naman kaya Lang mahaba Tahi ko.
haha ako 2.9Kg na 35 weeks. grabeeee
Ako po 2.5 39 weeks
Anonymous