ANY TIPS PARA MAPALAKI ANG SIZE NI TUMMY.

Galing akong pre-natal check up now mamsh. Hindi ko alam kung nadamay lang ba ako sa pagkabadtrip ng Doc. sa kasabayan ko sa room kasi 15 yrs old yung bata and yung size ng tummy niya di tumugma sa iniexpect ni Doc, mas malaki na yung tyan niya sa expected size ni Doc kaya nagalit siya sa kasabayan ko sabi niya kung tama ba ang ibinigay na date sa pagreregla nito. Etong si girl naman sabi niya di talaga sure sa date ng regla niya kaya ayon nagdadakdak si Doc. So eto na nga po AKO NA 🙂 last check up ko okay naman, kahit size ng tummy ko sakto naman daw sa expected niya sa size kaya no worries ako na humiga. Nung sinukat na niya bigla niya ako sinabihan ikaw tama ba yung date sa pagregla mo tama ba binigay mo then sabi "Opo doc, naka record po yung monthly period ko sa calendar ko since 2021 kasi nagplano na kami na magbuntis ako. Tapos sabi niya sakin NGANO MAN GAMAY RA GEAPON SA IMONG TYAN OPO OPO DHA (bakit maliit parin tyan mo) ako nagulat nalang tsaka tumahimik kasi dko alam isasagot ko kasi last time okay naman eh. HINGI PO AKO NG ADVICE 🥺 Ano pwede gawin para lumaki size sa Tummy, ano mga need kainin, last month 55 timabang ko, now pagbalik ko 57 lang. 2kl lang din nadagdag, medyo nastress ako now pag uwi kasi wala naman sinabi yung Doctor kung ano pwede ko gawin para sumakto yung size ng tummy ko 😞🥺 dko rin ksi nakakain mga pagkain na gusto ko hayst. ANY TIPS po para lumaki size ng tummy ko balik ko po kasi is August 1 pa naman. SEPT. Kabuwanan ko ❤️ #1stimemom #advicepls #pregnancy #firstbaby #pleasehelp

53 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako mie first time mom din maliit lang din tummy ko mag 8months na kumpara sa ibang buntis na malalaki magbuntis . minsan nag sesearch ako iba iba naman daw kasi ang pagbubuntis dpinde rin kung gaano ka ka liit,kapayat or katangkad as long as active si baby and healthy sabi rin ni OB ko maliit lang daw si baby sa tyan ko kumakain naman ako .. umiinom naman ako ng vitamins pero sabi niya kasi daw maliit lang ako hehe binigyan niya lang ako vit pampatangkad kay baby .

Magbasa pa
3y ago

ask mopo si OB mie karapatan mopo iyon bilang pasyente niya and may nabasa ako na pwedi sila ereport if ever... dapat hindi binabaling sa pasyente ang pagka mainitin nila.. kung sa isang pasyent3 lang siya galit pero maybe pagod marin siguro OB mo ng panahon na yun pero dapat parin niya sabihin kung ano sitwasyon ni baby s aTummy natin ako nag aask talaga ako mie