Mister vs. Misis
Gaano na po kayo katagal ng Mister/Misis niyo? Madalas po ba kayong magtalo? Ano ang ginagawa niyo para maiwasan ang pagtatalo? For fun lang: sino ang madaling magalit/mapikon? Si mister o si misis?
almost 2 years. di kami nag aaway. walang kwenta awayin partner ko at di napatol kahit anong inis na niya 😂 sa sobrang bait nakakainis minsan feeling ko napakademonyo ng ugali ko compared sa kanya 😂Napakashort-tempered at topakin ko kahit maliit na bagay sobrang opposite sa kanya na sobrang mapagpasensya. Di niya ginagawa yung mga bagay na alam niyang makakatrigger sa topak ko.
Magbasa paAlmost 14yrs na kami ng mister ko yes madalas kami magtalo lalo na may hindi pagkakaunawaan pero para sa akin normal lang naman yun... nagkakapatawaran naman kami humihingi sya ng sorry pag sya nagkakamali ganun din naman ako...napag uusapan din naman namin ang kung anong problema ... Dapat kasi nangingibabaw yung unawaan ninyong mag asawa kesa pride ...
Magbasa paDi kami madalas magtalo ng mister ko. SWERTE! Bilang lang sa daliri. More on understanding at communication lang yan. ❤️ Kahit madali maginit ulo ng mister ko sa ibang tao, di niya ako dinadamay. At hindi ko siya sinasabayan. Ako naman kapag galit ako di ako nagsasalita,kasi masakit ako magbitaw ng salita. Ang asawa ko magsosorry lang yun. ❤️
Magbasa parelate 😊
10years married 3x na kaming nag araw ng malala hindi kami nag aaway sa mga simpleng bagay bagay pag ako galit mag paparinigyan na kausap eldest ko "nako galit si mama behave tayo sisimangutan ko lang sila pag naka simangot na ko sabay silang tatawa pag si hubby nman galit quit lang kaming mag ina palipas ng oras mayamaya tanungin ko xa kung ok naba xa
Magbasa paGoing 2 years, madalas ako nang aaway sa kanya lalo na ngayong buntis ako hehehe. Hindi naman nya ko natitiis, lambing pag di pa din pinapahupa muna nya galit ko tas lambing ulit. Pag napikon ko na sya medyo magagalit na tapos isang sorry ko lang okay na ulit kami. Heheh. Haba ng pasensya ng mister ko buti na lang toyoin kasi ko..
Magbasa paHahaha! Relate na relate ako mamsh 😂
1 year kasal pa lang kame, 2 years magjowa. Hindi naman kame laging nag aaway once in a blue moon lng tlaga. Simpleng tampo lang tulad na nagtampo ako dahil tnulugan nya ako habang nanonood kme o kaya nagtampo sya dahil nauntog si baby habang ako nagcp mga ganon haha. Nagkakabati naman kme agad d namin kaya kasi na hndi nag uusap.
Magbasa paalmost 8 years bf/gf.. 1 year sa july na kasal.. pag galit xia.. tahimik lang ako.. nakikinig lang.. ganun din xia .. pag ako naman galit .. hindi xia showy, kabaliktaran naman ako.. 🤣 tahimik xia maingay naman ako. 🤣 pero ang pinaka talaga is yung tiwala sa isat isa.. wag maxado higpitan dapat tama lang .. 😊
Magbasa pa10 years na kaming kasal..madalas kaming magtalo noon sa maliliit na bagay..pero ngayon bihira nalang..basta wag lang papatulan pag mainit ang ulo ng isa..lilipas din yan..dati stress na stress ako pag naaaway kami ngaun di ko nalang sya pinapansin pag galit ako or sya..effective naman..mas madaling magbati. 🙂
Magbasa pa1yr and 6months na kami. Minsan lang kami mag-away. Para hindi kami mag-away hindi namin ginagawa ung mga bagay na ayaw ng isa't isa. Kapag galit ako relax lang sya. Kapag sya galit, relax lang ako. haha. Para hindi kami sumabog. Ako ung madalinv magalit/mapikon saming dalawa. Mapang-asar kc talaga asawa ko.
Magbasa pa5 years na kami pero hindi pakasal at madalas kami mag away at ako Ang mabilis magalit sa kanya at mainis pero thankful kasi napakamaintindhin ng partner ko pero dapat kahit gaano ka intindihin ng asawa mo dapat ganun ka din sa kanya kung galit na sya huwag mong sasabayan Ang galit nya ganun din sya sayo.
Magbasa pa
Mama bear of 1 playful boy